HUMIHILING ng dagdag na presyo ang mga manufacturers ng mga produktong de-lata tulad ng canned meat, sardinas, gatas, sabon panlaba at pampaligo, at iba pang basic commodities sa Department of Trade and Industry (DTI), dahil sa tumaas na presyo ng kanilang mga ginagamit na imported raw material sa pagawa ng kanilang mga produkto.
Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo, P0.50 sentimos hanggang P2.00 piso ang hirit ng mga basic at prime commodities manufacturers sa kagawaran.
“Ganoon talaga, kasi imported ang gamit nilang raw materials, specially sa food at hindi nila mapipigilan ang magtaas ng kanilang presyo,” ani Castelo.
Pinag-aaralan ng ahensiya ang nasabing panukala ng food manufacturers dahil may mga produktong hindi justified na magtaas at may justified.
Inilinaw ni Castelo, patuloy nilang pinag-aaralan ang hinihiling na dagdag presyo at wala pa silang inaaprobahang pagtaas sa nabanggit na mga produkto, pero posibleng sa sususnod na buwan ay tuluyan na itong magtataas ng kanilang presyo. (JAJA GARCIA)