Thursday , December 26 2024

BuCor chief, 2 pa absuwelto sa namatay na 10 preso

INABSUWELTO ng Para­ñaque City Regional Trial Court (RTC) ang ngayon ay Bureau of Corrections (BuCor) Director at dalawa niyang tauhan sa kasong homicide na ikinamatay ng 10 preso sa nangyaring  pagsabog sa loob ng tang­gapan nito sa Parañaque City Jail noong  2016.

Base sa 16-pahinang desisyon na inilabas ni Parañaque City RTC Acting Presiding Judge Betlee-Ian Barraquiad ng Branch 274 pinawalang sala si BuCor Director Gerald Bantag.

Inabsuwelto rin ng Korte sina SJO2 Ricardo Zulueta at JO2 Victor Erick Pascua na kasama sa loob ng tanggapan ni Bantag nang mangyari ang pagsabog.

Jail warden noon si Bantag sa Parañaque city jail nang maganap ang pag­sabog at kasamang namatay ang mga bilanggo sa loob ng kanyang opisina.

Sa sampung namatay kabilang ang dalawang Chinese national na pa­wang may mga kasong droga pero si Bantag ay nakaligtas sa pagsabog.

Sa rekord, nakasuhan si Bantag at ang mga jailguard na sina SJO2  Zulueta at JO2 Pascua ng sampung kasong murder ngunit naibaba sa homicide.

Sa desisyon ng Hukom, sinasabing bigo ang prosekusyon na patunayan ang mga elemento ng krimen laban sa mga akusado.

Wala rin sapat na ebiden­siyang inilatag ang prosekusyon na nagtu­lungan ang mga akusado para paslangin ang sam­pung inmates, bukod sa mga alegasyon ng complainant na tumestigo sa pagdinig.

Matatandaan, nangyari ang insidente noong 11 Agosto 2016 dakong 7:45 pm nang sumabog ang isang granada sa loob ng opisina ni Bantag na ikinamatay nina Jacky Huang, isang Chinese national, Waren Manampen, magkapatid na Ronald at Rodel Domdom, Danilo Pineda, Joseph Villasor, Oliver Sarreal, Jeremy Flores,  kapwa DOA sa Ospital ng Parañaque sina Yonghai Cai, isa rin Chinese national at Jonathan Ilas.

Sina Huang, Manampen, magkapatid na Domdom, Pineda, Sarreal, Flores, at Cai ay pawang  itinuturing na “high profile inmates” na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act.

Habang sina Villasor at Ilas ay kapwa may kasong Robbery. Sugatan noon si Bantag na agad naisugod sa pagamutan.

 (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *