Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Tiangco sa taxpayers: magbayad nang maaga

HINIKAYAT ni Mayor Toby Tiangco ang mga may-ari ng negosyo sa Navotas na maagang magbayad ng buwis.

Mula 2-20 Enero 2020, bukas ang Business One-Stop Shop sa Navotas City Hall ground floor para magproseso ng mga aplikasyon ng business permits and licenses, bago man o renewal, mula Lunes hanggang Biyernes, 8 am – 8 pm, at Sabado, 8 am – 5 pm.

“Naka-overtime ang ating frontline offices para mapagsilbihan ang mga hindi makapag­babayad ng buwis sa regular na oras ng trabaho. Hangad namin na samantalahin ito ng ating taxpayers para maiwasan nila ang mahabang pila o ang pagkakaroon ng multa dahil sa late payment,” ani Tiangco.

Nagpaalala rin ang alkalde na ayon sa Navotas Revenue Code of 2017, may 25-percent penalty at karagdagang 2-percent surcharge bawat buwan kapag hindi naiparehistro ang isang negosyo sa takdang oras.

“Kung maaari, gusto nating maiwasan ang pagpataw ng multa sa mga establisimiyento kaya hinihikayat natin sila na ayusin nang maaga ang kanilang mga bayarin,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Tiangco ang halaga ng pagkolekta ng buwis sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo ng pamahalaang lungsod.

“Ang buwis ang itinuturing na dugo na nagbibigay buhay sa pamahalaan. Karamihan sa ating mga proyekto at programa sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan, kapayapaan at pabahay ay pinopondohan gamit ang buwis na ating nakokolekta,” saad niya.

Noong nakaraang taon, nakatanggap ang Navotas ng pagkilala mula sa Bureau of Local Government Finance dahil sa mahu­say na pagkolekta nito ng buwis noong 2018.

Kinilala ang lungsod bilang top 1 sa National Capital Region para sa Collection Target for Receipts from Economic Enterprises; top 2 sa NCR para sa Collection Target for Total Local Revenues; at top 3 sa buong bansa para sa Collection Target for Total Local Revenues.

  (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …

SM Holiday Job Fair

SM Holiday Job Fair + Upskilling Draw Hundreds at SM MOA

The SM Holiday Job Fair + Skills e-Hub officially opens at the SM Mall of …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …