MATAGAL-TAGAL nang nakabalik ng Pilipinas si Julia Montes matapos mawala sa limelight ng almost a year dahil pumunta ng Germany para sa amang German.
Matagal din ang bakasyon ng aktres at ngayon, may mga balitang napagkikita na tila nagpaparamdam dahil may balak nang magbalik-sgowbiz. May nakakita sa kanya sa isang supermarket sa Greenhills at very willing itong magpa-picture sa mga naroroon with matching ngiti.
Sumunod na paramdam ay noong kaarawan ni Coco Martin na binati niya ang aktor ng HBD’ with matching flying kiss at hug sa social media.
At ang pinakahuling paramdam ay ang pagpapaayos ng ngipin.
Dahil puro paramdam ang ginawa ni Julia, binansagan siya ng mga netizen na “Paramdam Queen.”
But fans need not to worry ‘ika nga, dahil may tsika na ipapasok si Julia sa FPJ’s Ang Probinsyano.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu