MAHIHIRAPANG wasakin si Julia Barretto kahit marami itong kontrobersiyang kinasasangkutan. Ang dahilan, may bago siyang digital series, at tila naging in demand pa sa mga endorsement.
Siya ang kasama ni Tony Labrusca sa I Am You ng Dreamscape Entertainment at The IdeaFirst para sa iWant.
Bagamat nadikdik si Julia sa away ng kanyang inang si Marjorie sa mga tiyahin nitong sina Gretchen at Claudine, okey pa rin ang career ng batang aktres.
Well, tingnan natin kung magtutuloy-tuloy ang magandang takbo ng career ni Julia. Ang alam kasi nami’y matagal nang project itong digital series nila ni Tony. Ang hintayin natin ay kung masusundan pa ito.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu