Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Preparasyon sa Undas pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco

PINANGUNAHAN ni Mayor Toby Tiangco noong Lunes ang inspek­siyon sa NavoHimlayan public cemetery upang masigurong magiging ligtas at maayos ang pagdaraos ng Undas sa lungsod.

“Tuwing Undas, umaa­bot sa 10,000 ang duma­dalaw sa NavoHimlayan, at sa mga katabi nitong priba­dong sementeryo. Nais nating masiguro na magi­ging maayos ang lahat sa araw ng ating pag-aalala, walang sakuna, at ligtas ang lahat ng mga bibisita sa puntod ng mga yumao nilang mahal sa buhay,” aniya.

Nasa 700 pulis, bom­bero, kawani ng lungsod at barangay, health and emergency personnel, sweeper, at volunteer ang inatasang magbigay-serbisyo at mangalaga ng seguridad sa mga libingan sa lungsod sa 1 Nobyembre.

Nakipag-ugnayan din ang pamahalaang lung­sod sa Philippine Army, Metropolitan Manila Development Authority, at Philippine Red Cross para sa karagdagang mga magbabantay.

“Inaasahan natin na aabot sa 15,000 ang dada­law sa mga puntod nga­yong taon kaya nais nating maging handa para rito,” ani Tiangco.

Binigyan ng pamahalaang lungsod ng pagkakataon na maglinis ng mga puntod ang mga residente hanggang 5 pm ng 30 Oktubre.  Ang mga gamit na panglinis o pangpinta na maiiwan sa sementeryo matapos ang itinakdang oras at araw ay kokompiskahin.

Ipinahayag din ng lungsod ang pagsasara ng Gov. Pascual St. — mula A. Ignacio St., Brgy. Daanghari hanggang Los Martirez St., Brgy. San Jose — mula 31 Oktubre, 1:00 pm hanggang 2 Nobyembre, 12:01 am.

Muli rin ipinaalala sa mga residente at iba pang bibisita na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga patalim o kahit na anong matutulis na bagay, baril, alak o iba pang nakalala­sing na inumin, gamit sa sugal, at loudspeaker o iba pang gamit na makalilikha ng malakas na ingay.

Hinimok din ang mga magulang na pagsuotin ng ID na mayroong pangalan, contact details, at address ang kanilang mga anak, bilang paghahanda kung sakali mang mahiwalay.

“Hinihiling din natin sa lahat ng mga bibisita sa mga sementeryo na sundin ang zero waste. Iwasan ninyo ang ires­ponsableng pagtatapon ng basura. Igalang natin ang huling himlayan ng ating mga mahal sa buhay at panatilihin natin itong malinis,” ani Tiangco. (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …