NAPANOOD namin ang pictorial ng pelikulang kalahok ni Coco Martin sa Metro Manila Film Festival 2019 at nagulat kami dahil halos karamihan ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ay kasali rin sa. Maliban kina Susan Roces, Lorna Tolentino, Baron Gaesler, Yassi Pressman, Angel Aquino at iba pa nadagdag sina Ai-Ai dela Alas at Jennylyn Mercado.
Wala silang ginawa sa pictorial kundi ang wacky pose kaya naisip namin na ang lahok ni Coco ay comedy version ng primetime top rating teleserye ng Dos.
Sa kabilang banda, may mga humuhulang ang pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis ang magna-number dahil ang kanilang M&M: The Mall, The Merrier ay tinambakan ng maraming artista. Kasama kaya rito si Ion Perez?
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu