Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Para sa tagumpay sa SEA Games… Atletang Pinoys hinikayat suportahan ng pribadong sektor — Bong Go

OPTIMISTIKO si Senator Christopher “Bong” Go na makukuha ng Filipinas ang mailap na gold medal sa nalalapit na Tokyo Olympics.

Sinabi ni Go, sa tu­long ng pribadong sektor, full support sila sa mga atleta kaya noong isang buwan ay nahanapan ni­ya ng paraan na masu­por­tahan ang weightlifter na si Hidilyn Diaz na magtatangkang muling masungkit ang gintong medalya sa Olympics.

Ayon kay Go, sina­bihan niya ang ilang atletang tulad ni Diaz na kung ano ang maitutu­long niya ay handa siya matapos sabihin na kulang ang suporta sa kanila kaya sila kina­kapos sa pagsasanay.

Kabilang sa mga prayoridad ni Go ang pagsusulong sa kapaka­nan ng sports sector ng bansa kaya nakatutok siya sa mga panga­ngai­langan ng mga atletang Pinoy.

Kaugnay nito, isinu­long ni Go ang pagtatatag ng  Philippine Sports Academy for High School na hahasa sa mga talen­tadong Pinoy athletes habang siya ay nag-aaral.

Layon din ng sports program na mailayo ang mga kabataan sa illegal drugs at iba pang masa­samang bisyo.

(NIÑO ACLAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …