Saturday , November 16 2024

Kahit recess, ‘Ninja cops’ hearing tuloy… Panig ni Albayalde diringgin ngayon

KAHIT nasa recess ang dalawang kapulungan ng kongreso, tuloy pa rin ang pagdinig ng Senate Committee on Justice na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon sa kontrobersiyal na ‘Ninja cops.’

Ayon kay Gordon, nais nilang bigyan ng pagkakataon si Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde para sagutin ang mga aku­sasyon laban sa kanya.

Bukod dito sinabi ni Gordon, mayroon din panibagong testigong ihaharap at gayondin ang mga panibagong ebe­densiya.

“The people have a right to know how these ‘Ninja cops,’ these corrupt cops, operate and they are entitled to justice. People want to know that the policeman that they have work for them. That they are still working for their welfare, for their safety. Having these corrupt cops is like being trapped in a hen house with a ravenous python,” ani Gordon.

Naniniwala si Gordon na karapatan ng taong bayan ang malaman ang buong katotohanan ukol sa naturang usapin.

Iginiit ni Gordon, walang dapat sinohin o katakutan sa pagtuklas ng katotohanan sa pama­magitan ng pagpapatuloy ng imbestigasyon.

“There’s been too much talk. Now we really have to measure every word, every evidence para people will know that the government is for them, not against them. It is really a betrayal of the President if these people continue because they have been paid well, ahead of the teachers. More importantly, they betray the people. They betray the people, they betray the President in spite of the fact that taxpayers’ money is given them to increase their salary,” dagdag ni Gordon.  (NIÑO ACLAN)

 

About Niño Aclan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *