HANDA si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na humarap sa imbestigasyon ukol sa mga napalaya sa ilalim ng good conduct time allowance (GCTA) sa ilalim ng kanyanng panunungkulan bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon Dela Rosa, wala siyang dapat ikatakot o ipangamba dahil dumaan sa tamang proseso ang mga pinalaya niya sa ilalim ng GCTA.
Binigyang-linaw ni Dela Rosa na sa sobrang higpit niya bilang pinuno ng BuCor ay tiyak na natakot gumawa ng kalokohan ang mga nasa ibaba niya.
Ngunit naniniwala si Dela Rosa na dapat managot ang may kasalanan o gumawa ng kapalpakan sa ilalim man ng kanyang administrasyon o hindi sa BuCor.
Iginiit ni Dela Rosa, wala siyang pangamba sa kanyang mga napalaya na kanyang pinirmahan dahil walang kapalit ang nasabing pagpapalaya.
Aminado si Dela Rosa na naririnig na niya ang alingasngas o isyu sa loob ng Bilibid ngunit walang ‘for sale’ na GCTA na kanyang nilagdaan.
(NIÑO ACLAN)