IKINATUWA ni Senador Edgardo Angara ang pagsasabatas ng Republic Act 11394 na papabor sa mga left-handed students matapos ang mahabang panahon ng kanilang paghihintay.
Dahil dito, sinabi ni Angara, mawawakasan ang paghihirap sa mga paaralan ng mga mag-aaral at lalo sa kanilang sakripisyo sa kanilang mga upuan.
Iginiit ni Angara, sa pamamagitan ng batas, ang mga paaralan ay maoobliga na maglaan ng “neutral desks” sa bawat classroom.
Sinasabing 10 porsiyento ng populasyon ay kaliwete at dahil ang karamihan ng mga gamit, kasama na rito ang mga desk sa paaralan ay nakadisenyo para sa mga right-handed, kailangan nilang mag-adjust dahil hindi sila sanay gumamit ng kanang kamay nila.
Sinabi ni Angara, ang neutral desks ay maaaring pakinabangan ng parehong left and right-handed students nang walang anumang usapin.
“The struggle of left-handed students is real. Many of them end up suffering from back, neck and shoulder pain when they force themselves to use the standard-issue desks. Studies have also shown that left-handed students tend to write slower when using right-handed desks, thus leaving them at a disadvantage during timed examinations,” ani Angara.
Dahil dito agad nagpaabot ng pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte si Angara sa kanyang paglagda sa naturang batas.
(NIÑO ACLAN)