Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chess

GM Antonio imbitado sa Open Kitchen Rapid chess

INIMBITAHAN si 13-time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. na ma­ging guest of honor sa Open Kitchen Rapid Chess Tournament sa tinam­pukang IM Joel Banawa Chess Cup (kiddies at juniors division) bilang paggunita sa namaya­pang IM Rolly Martinez na tutulak sa Linggo (September 1) sa Open Kitchen, Rockwell Business Center-Sheridan, High­wayhills, Greenfields District sa Mandaluyong City.

Si Antonio, ang 2017 Italy World Seniors Vice-Champion ay inaasahang mangunguna sa simple opening ceremonies da­kong 10:30am sa torneong ito na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines na pa­nga­ngasiwaan ng mga arbiters mula Chess Arbiter Union of the Philippines na suportado ng Open Kitchen, Phoenix Chess Academy, Three Knights Printing Services, ChiliJuan, Otsuka-Solar Philippines Inc. (Pocari Sweat), Core of Dreams, Mega C, Ripples Daily at ng PTV Sports.

Kasama din sa naim­bitahang magbubukas ng torneo  si Atty. Cliburn Anthony Orbe, National Chess Federation of the Philippines (NCFP) director na makakasama sa ceremonial moves si Antonio.

Matatandaan  na si Antonio ang nagkampeon sa Open Kitchen tour­nament nung Agosto 5 na sinundan ng paghahari sa Senior’s event ng IGB Dato’ Tan Chin Nam Inter­national Chess Open na ginanap sa Cititel Mid Valley sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong August 18 at ng 2nd Torrevillas Knights Cup Open Rapid chess tournament na ginanap sa  Samar College sa Catbalogan City, Samar nung Agosto 21.

Ang Quezon City based Antonio, 57, ay naka-schedule katawanin ang Pilipinas sa FIDE (World Chess Federation) World Seniors Chess Cham­pionship na susu­long sa November 11 hanggang 24 sa Bucha­rest, Romania.

(Marlon Bernardino)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …