Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangkulasi river sinimulang linisin

SINIMULAN ng pama­halaang lungsod ng Na­vo­tas, kasama ang mga kinatawan ng Depart­ment of Environment and Natural Resources at iba pang ahensiya ng pama­halaan sa pangunguna ni Asec. Rico Salazar, ang paglilinis ng Bangkulasi River.

Napag-alaman, ang nasabing ilog ay may mataas na antas ng fecal coliform, isang uri ng bacteria na nagmumula sa dumi ng tao o hayop.

Nangako si Mayor Toby Tiangco na gagawin ng pamahalaang lungsod ang makakaya para malinis ang ilog at mapaunlad ang kalidad ng tubig nito.

“Noong nakaraang linggo, nagsagawa kami ng dialogo kasama ang mga mangingisdang ma­a­­a­­pektohan ng clean-up drive. Ipinaliwanag na­min kung bakit ka­ilangan nilang ilipat ang kanilang mga bangka sa Navotas Fish Port,” aniya.

Inatasan din ni Tiangco ang ilang mga tanggapan ng pamaha­laang lungsod at mga barangay na siguruhing tuloy-tuloy ang paglilinis ng ilog at i-monitor ang tagumpay nito.

Kamakailan, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na napaka­halaga ng paglilinis ng Bangkulasi segment sa Manila Bay Rehabilitation Program, at nagtakda siya ng palugit hanggang December para mag­ka­roon ng malaking pagba­bago ang nasabing ilog.

Kasama sa kick-off ang mga kinatawan mula sa Metropolitan Manila Development Authority, Philippine Coast Guard, Philippine Fisheries Develop­ment Authority, Philippine National Police-Navotas, at PNP-Maritime.

Kabilang din sa naroon ang mga opisyal ng Brgy. NBBS Kaunla­ran, Dagat-dagatan, at Bangkulasi at mga kawani ng City Environment and Natural Resources Office, City Agriculture Office at City Engineering Office.

 (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …