Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pia Wurtzbach
Pia Wurtzbach

Valentina role, ibibigay kay Pia

ISA ang pangalan ni Pia Wurtzbach na matunog para mag-Darna!

“Nasaan ang bato,” ang reaksiyon ng manager ni Pia na si Jonas Gaffud.

“Hmmm hindi ko alam, hindi ko alam talaga ang sagot ko, no,” at tumawa si Jonas sa tanong kung may offer kay Pia na mag-Darna. “Wala kaming ano, we’re not closing our doors pero…”

Hindi rin nag-audition si Pia para sa Darna.

Maraming netizen na si Pia ang bet maging Pinay super­­hero.

“Kung ibibigay, why not? Ibig sabihin sa kanya ‘yung bato.

“Kaso nabigay kay Senator, nasa Senate na siya,” pagbibirong pagtukoy ni Jonas kay Ronald “Bato” dela Rosa na isa sa mga may mataas na boto sa pagka-Senador sa recent election.

May tsika rin na ang Valentina role (na kalaban ni Darna) ang ibibigay kay Pia.

“Depende sa story pa rin. Depende sa story and everything because we also have our image to protect, and we also have endorsements and all.

“Kasi gusto namin mag-start ng personality development and public speaking,” ang sagot naman ni Jonas sa tanong kung bakit si Megan Young ang napili nila para sa EMPIRE Exclusives, a 7-month workshop series mula May to November 2019.

“And bakit si Megan? E siyempre, Miss World siya! First Miss World, why not?”

The first in the series, Personality Development and Public Speaking workshop ay ang Miss World 2013 na si Megan ang mentor at motivational speaker na magaganap sa May 25.

Available online ang tickets sa Empire Exclusives workshop series o kaya naman ay maaaring bumili sa Empire Studios, sa second floor, Uptown Mall, BGC na siya ring venue ng workshop.

Pagpapatuloy pa ni Jonas, “Kasi sa Aces and Queens dati ha, when I was in Aces and Queens, ang umpisa ng workshop namin lagi ay Personality Development. So nagtanong naman kami sa lahat ng mga beauty queen kung sino ang gustong magturo ng Personality Development, raise your hand agad si Megan.”

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …

Dustin Yu Bianca De Vera Kinakabahan Lily

Dustin may inamin sa kanila ni Bianca

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Dustin Yu, tinanong siya kung sino ang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel hinulaang magkaka-baby at ikakasal ngayong 2026

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa? …

John Fontanilla Oriña Family Reunion

Reunion ng Fontanilla at Oriña Family matagumpay 

MATABILni John Fontanilla MASAYA at punompuno ng buhay ang naganap na family reunion ng Fontanilla & Oriña last December …