Tuesday , May 13 2025
Tito Sotto
Tito Sotto

Sotto tiwalang ‘di ‘mapatatalsik’ sa 18th Congress

KOMPIYANSA si Senate President Vicente Sotto III na siya pa rin ang mau­upo at mamumuno sa senado sa pagbubukas ng 18th Congress.

Ayon kay Sotto nag­pa­hayag na ng suporta sa kanya ang mga senador na kasama niya sa mayorya.

Bukod dito, nagpaha­yag din umanio ng supor­ta sa kanya ang tatlo pang bagong mahahalal na senador.

Kabilang dito sina Bato dela Rosa, Tol Tolentino at Bong Revilla na pawang mga naghi­hintay pa ng kanilang mga proklamasyon ka­ug­nay ng katatpos na halalan na batay sa unofficial and partial report pasok na ang tatlo sa 12 nanalong senador.

Bukod dito, napag-usapan na rin nila ang pamumuno sa ilang mga komite at pananatili sa committee chairmanship ng mga senador na bahagi ng majority laeader.

Ang tanging pino­problema nila ay kung kanino ibibigay ang Senate Committee on Ways and Means na iiwa­nan  ni Senador Sonny Angara matapos na hahawakan niya ang Senate Committee on Finance na pinamu­mu­nuan ni Senadora Loren Legarda na nanalong kinatawan ng Antique.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *