WALANG pagbabalik-showbiz na nangyari sa ipinakitang drama ni John Lloyd Cruz. Isa palang endorsement iyon.
Wala pang katiyakan ang pagbabalik ng aktor para gumawa ng teleserye o pelikula. Ang tsika, sakaling totohanin na ni Lloydie ang pagbabalik-showbiz, hindi na sa Home Sweetie Home na nagbagong-bihis na at ngayo’y tinawag nang Home Sweetie Home: Extra Sweet.
Kasama sa pagpasok nina Vhong Navarro at Alex Gonzaga ang Pinoy Big Brother: Otso adult finalists na sina Fumiya Sankai and Yamyam Gucong.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu