Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Free summer workshops sa Navotas, nagsimula na

PORMAL nang binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ngayong Huwebes ang libreng summer workshops para sa kabataang Navoteño.

Umabot sa 680 Navoteño, edad 7-21 anyos, ang sumali sa NavotaAs Sports Camp Batch 20. Sa bilang na ito, 238 ang nagparehistro sa swimming; 156 sa basketball; 48 sa volleyball; at 68 sa badminton.

Kasali rin sa Batch 20 ang 124 trainees sa taekwondo, 13 sa table tennis, 21 sa judo, 10 sa track and field, at dalawa sa soccer.

Samantala, 335 ang sumali sa annual Summer Youth Program (SYP) ng lungsod. Nasa 106 ang gustong matuto ng dancing; 99, drawing; 58, guitar playing; 45, theater acting; at 27, arnis.

Pinuri ni Mayor John Rey Tiangco ang mga kalahok sa desisyon nilang gawing produktibo ang kanilang bakasyon.

“Natutuwa kami na binigyan ninyo ng panahon ang pagpapaunlad ng inyong mga talento at kakayahan. Hangad naming mag-enjoy kayo sa mga workshop at magkaroon kayo ng mga bagong kaibigan,” aniya.

Hinikayat din ni Tiangco ang mga magulang na patuloy na suportahan ang hilig ng kanilang mga anak sa arts at sports.

“Nakatutulong ang arts at sports sa paghubog ng karakter ng isang bata. Kaya dapat suportahan natin ang kanilang mga hilig at tulungan natin silang maging magaling dito,” dagdag niya.

Ang SYP, na isinasagawa isang beses bawat taon, ay bukas sa lahat ng Navoteño edad 7-18. Inilunsad ang nasabing programa noong 2000 sa termino ni dating mayor at ngayon ay Cong. Toby Tiangco para mahimok ang mga kabataan na tuklasin at payabungin ang kanilang mga talento.

Ang sports clinic, sa kabilang banda, ay isinasagawa tatlong beses isang taon bilang bahagi ng kampanya ng lungsod laban sa iligal na droga. Ang programang ito ay sinimulan noong 2011, isang taon matapos umupo sa pwesto ang nakababatang Tiangco.

(JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …