UMAASA si reelectionist Senator Cynthia Villar sa suporta at endoso ng religious group na Iglesia ni Cristo na kilalang may block vote na pinamumunuan ng pamilya Manalo at ng El Shaddai na pinamumunuan ni Bro. Mike Velrade.
Ayon kay Villar, ang kanilang igagawad na suporta at endoso sa kanyang kandidatura ay lubhang mahalaga at malaking tulong para siya ay manalo sa 13 Mayo 2019 elections.
Binigyang-linaw na bagama’t hindi nag-eendoso nang lantaran ang ibang religious group pero nagpapasalamat siya dahil siya ay iniimbitahan sa kanilang mga gawain.
Inaasahan sa Sabado ay tuluyan nang ihahayag ng El Shaddai kung sino-sinong kandidato ang kanilang susuportahan sa pagkasenador samantala ang huling linggo o araw ng pagsamba ng INC bago ang halalan ay pinagkakalooban ng sample ballot na nakasulat ang pangalan ng mga kandidatong sinusuportahan ng INC.
Kaugnay nito, tiniyak ni Villar na hindi siya titigil at magiging kampante sa kanyang pangangampanya sa natitirang sampung araw.
Ito ay sa kabila na siya ang nanguna sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey na naungausan niya si reelectionist senator Grace Poe.
Iginiit ni Villar, mahalagang malaman ng bawat mamamayang Filipino ang kanyang mga programa at palataporma de gobyerno sa sandaling siya ay mahalal muli na senado bukod sa paglalahad ng kanyang mga nagawa na.
Si Villar ay nakalikha nang mahigit sa 100 school farm para mas lalong malinang ang kaalaman ng mga magsaska ukol sa pagtatanim at masabayan ang makabagong tekonolohiya at alternatibong pagtatanim sa panahon ng El Niño at La Niña na nagawa sa iba’t ibang panig ng bansa bukod sa livelihood program na kanyang ipinapatupad sa tulong ng VILLAR Sipag.
Gayondin ang pagkakaloob ng financial at livelihood assistance sa ating mga kababayang overseas Filipino workers (OFWs).
(NIÑO ACLAN)