NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte (NP) ng agarang pagpapatalsik sa puwesto kay House majority leader Rolando Andaya, Jr., sa ginawang lantarang pag-atake kay Budget Secretary Benjamin Diokno na maituturing umanong direktang pag-atake kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngayong Lunes, muling magbubukas ang sesyon ng dalawang kapulungan ng kongreso at sinabing huhusgahan ang kapalaran ni Andaya na umano’y dumarami ang mga mamababatas na miyembro ng mayorya ang nadesmaya sa ginawa niyang pag-atake sa DBM (Department of Budget and Management).
“Andaya has strangely become the No. 1 political arch foe of President Duterte in the House of Representatives with his continuing hatchet job against Secretary Benjamin Diokno and the Department of Budget and Management (DBM) which is obviously meant to torpedo the passage of the proposed 2019 GAA in time for the end-January target of the senators as stated by Senate President Vicente Sotto III,” ani Villafuerte.
Iginiit ni Villafuerte na dapat palitan si Andaya sa kanyang puwesto dahil sa kanyang pagtraidor sa interes ng pro-administration coalition at ng sambayanang Filipino.
Ngunit hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin tumutugon o naglalabas ng pahayag si Andaya kaugnay sa hamon ni Villafuerte.
Tinukoy ni Villafuerte, sa sandaling mabigong tumigil sa pag-atake si Andaya laban kay Diokno ay hindi malayong pagdudahan na bahagi ang majority leader sa mga grupong nagnanais na pabagsakin o may deztabilization plot sa ilalim ng Duterte administration bago ang halalan.
“My fellow Bicolano legislator has unfortunately become the odd man out in the current House leadership, given that his No. 1 job as majority leader is to shepherd through the bigger chamber the legislative agenda of the government, including the annual GAA (General Appropriations Act), that would let President Duterte deliver on his campaign promises to the Filipino people,” panawagan ni Villafuerte.
Magugunitang ang komite on rules ni Andaya ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y ginagawang manipulasyon ni Diokno sa annual budget upang paburan ang ilang indbiduwal partikular ang in-laws ng kanyang anak na si Charlotte na nasa construction business.
Ibinunyag ni Diokno na ang tunay na kadahilanan kung bakit kinukuwestiyon siya ni Andayas ay dahil tumanggi siyang ilabas ang road users’ fund habang nakabinbin ang panukalang abolisyon ng Road Users Board.
Nagbabala rin si Villafuerte sa mga kapwa mambabatas kung hindi titigil si Andaya sa paninira o pag-atake kay Diokno ay tiyak na hindi mapagtitibay ang 2019 proposed national budget bagkus ay buong taon na ang gagamitin ay reenacted o ‘yung pondo noong 2018.
Binigyang-diin ni Villafuetre, ito ang tamang panahon para kausapin ng majority coalition si Andaya kung siya ba ay kasama nila o hindi.
Sinabi ni Villafuerte, maaring maresolba ng bicameral conference committee ang isyu kung kanilang tatanggapin ang NEP sa kanilang pagbabalik sa sesyon mula sa bakasyon.
(NIÑO ACLAN)