Saturday , November 16 2024
Department of Agriculture

Angara humingi ng tulong para sa magsasaka (Sa nabulok na gulay at iba pang ani)

NANAWAGAN si Senador Sonny Angara sa administrasyon na agad aksiyonan ang peligrong kinakaharap ngayon ng mga magsasakang nalugi dahil sa sumobrang ani. 

Ayon sa senador, sa mga ganitong suliranin, nararapat na may nakahandang ayuda ang pamahalaan na makatutulong sa mga magsasaka sa mahabang panahon.

“Hindi lang pagpapautang ang dapat na naitutulong ng gobyerno sa mga apektado nating magsasaka. Hindi ito pangmatagalang ayuda. Ang kailangan nila ay suportang may kinalaman sa kung paano nila mapagkakakitaan nang maayos ang kanilang ani at mga pasilidad na magagamit nila sa pagproseso n ito,” ayon kay Angara.

Lumabas sa mga ulat nitong mga nakaraang araw na labag man sa kalooban ng mga magsasaka, napipilitan silang itapon na lamang ang tone-tonelada nilang pananim dahil sa oversupply at kakulangan ng sapat na transportasyon upang maibenta.

Dahil dito, nabubulok na lamang ang marami sa mga pananim at hindi na rin mapakikinabangan.

Kaugnay nito, hiniling ni Angara sa gobyerno, partikular sa Department of Agriculture (DA)  na pakinggan ang panawagan ng mga magsasaka na bigyan sila nang mas marami at malalaking processing facilities upang maresolba ang oversupply ng mga pananim. 

Nabatid na hindi rin nagawang bilhin ng mga negosyante ang mga ani dahil ang ilan ay hindi naman maaaring ibiyahe patungong Bicol na kamakailan ay sinalanta ng bagyong Usman. 

Kasunod nito, nagpahayag ang DA na lahat ng mga magsasakang nalugi dahil sa oversupply ay bibigyan ng pagkakataong makautang nang hanggang P50,000 sa ilalim ng programang Production Loan Easy Access ng ahensiya.

“Sa mga ganitong usapin, dapat may agarang magagawa ang gobyerno sa mga pasilidad na kinakailangan ng mga magsasaka. Dapat, may sapat din silang kaalaman sa agriculture technology upang mas maging epektibo ang kanilang operasyon,” ayon sa senador.

Maaari rin aniyang makipag-ugnayan ang pamahalaan sa big buyers upang matiyak na may bibili sa mga pananim tulad ng gulay at prutas. 

Aniya, nananatiling pinakamahalagang sektor sa bansa ang agrikultura dahil bukod sa pinang­gagalingan ng ating pagkain, nakalilikha rin sila ng trabaho. 

Mababatid na isang panukalang batas, ang Entre­preneurial Agri­cultural Education Act, ang isinu­sulong ni Angara na naglalayong paunlarin at paigtingin ang edukasyong pang-agrikultura upang mas mahikayat ang maraming Filipino na maging agri-preneurs.”  

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *