Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
joshlia julia barretto joshua garcia
joshlia julia barretto joshua garcia

Ngayon at Kailanman, magtatapos na

 

ANG lungkot naman ng Pamaskong episode ng teleseryeng Ngayon at Kailanman, magka-away sina Inno (Joshua Garcia) at Eva (Julia Barretto) at kailangan lang nilang mag-usap dahil sa project nila.

Hindi kasi matanggap ni Inno na nakipaghiwalay sa kanya si Eva at nangibang bansa na pakiramdam niya ay iniwan siya sa ere kung kailan kailangan niya ang girlfriend.

Namatay na ang amang si Hernan (Christian Vasquez), nakulong naman ang inang si Stella (Alice Dixson), ang kuyang si Oliver (Jameson Blake) ay hindi naman sa kanila umuuwi at siya ang nag-aalaga sa lolang maysakit na si Dona Carmen (Rosemarie Gil).

At dahil galit si Inno kaya pinahihirapan niya si Eva na hindi makapag-concentrate dahil pinasasakitan siya ng ex-boyfriend sa pamamagitan ni Roxanne (Elisse Joson) at inakala rin ng binata na karelasyon na ng kuya Oliver niya ang dalaga.

Halos lahat ng designs ng dalaga ay inaayawan ng binata at basura ang tingin niya bagay na ikinagalit din ni Eva dahil malaki na ang ipinagbago ng lalaking mahal niya.

Finally, nakabuo na ng magandang disenyo na si Eva pero pinintasan pa rin ng binate dahil masyadong pa-sweet ang pagkakagawa kaya palitan pero ipinagpilitan ng dalaga na maganda kaya walang nagawa si Inno kundi buuin ang kuwintas at lumabas na maganda.

Iniwan na ni Roxanne si Inno para harapin nito kung ano talaga ang nararamdaman niya para kay Eva at para hindi siya gamitin na.  Hindi naman iniwan ni Oliver ang dalaga.

Ilang linggo na lang ang Ngayon at Kailanman kaya huwag bibitaw para sa mga susunod na mangyayari.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …