Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, ‘di na-enjoy ang Pasko dahil sa gastritis

KUNG kailan naman Pasko at saka naman sumumpong ang “gastritis” ni Ate Vi (Vilma Santos), at umaangal talaga siyang masakit ang kanyang tiyan. Ang dami sanang activity na dapat niyang puntahan na hindi niya nakaya talaga kaya nga panay ang hingi niya ng paumanhin sa mga tao, kabilang na ang kanyang fans na umaasang makakasama siya sa isang Christmas party pero hindi na nga nangyari.

Natuwa naman ang fans dahil kahit paano, natatawagan siya sa telepono, ikinakabit iyon sa sound system para kung ano man ang sabihin niya ay naririnig ng lahat, at ang mensahe naman ng bawat isa ay naririnig niya.

Kung minsan hindi mo rin maiaalis na magtampo si Ate Vi, dahil totoo naman na may mga taong hindi makaintindi sa kanyang sitwasyon. Minsan may mga nagtatampo kung hindi niya nasisipot ang mga okasyon nila, pero sabi nga ni Ate Vi, “tao lang din naman ako na may limitasyon. Gusto ko lahat mapagbigyan pero kung iyon lang ang kaya ng katawan ko, wala akong magagawa. Kaya nga humihingi na lang ako ng dispensa. Ngayon kung sa tingin nila hindi sapat pati ang paghingi ko ng dispensa, wala na akong magagawa.”

Bukod sa nagkasakit si Ate Vi, nagkasakit din si Ryan, ganoon din naman si Mama Santos na kailangan din niyang intindihin. Kaya talagang panay ang hingi niya ng pasensiya.

Ang sabi nga sa amin ni Ate Vi na nakausap din namin sa phone, “pati tayo, after the holidays na tayo magkita-kita. I promise to find time for that,” na sinabi naman naming huwag niyang intindihin. Naiintindihan naman namin ang sitwasyon niya.

Minsan ang hirap din naman ng mga artista eh. Ang dami kasi ng expectations sa iyo, at hindi nila naiisip na kung minsan hindi mo na talaga kaya.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …