Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

60 pamilya nag-Pasko sa bagong bahay handog ng Navotas

BAHAY ang ipinamasko ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas City sa mga pamilyang Navoteño na dating nakatira malapit sa dagat o ilog.

Umabot sa 60 pamilyang Navoteño ang nagdiwang ng Pasko sa bago nilang bahay makaraan pasinayaan at basbasan ang NavoHomes Dagat-dagatan sa Brgy. North Bay Boulevard south Dagat-dagatan.

“Isang ligtas na tahanan kung saan puwedeng bumuo ng mga pangarap ang isang pamilya — ‘yan ang gusto natin para sa bawat pamilyang Navoteño. Ito ang dahilan kung bakit nagsisikap tayong maialis ang mga pamilyang naninirahan sa itinuturing na danger areas at mabigyan sila ng disente at ligtas na tahanan,” ani Mayor John Rey Tiangco.

Habang hinikayat ni Rep. Toby Tiangco ang mga benepisaryo ng pabahay na lumahok sa mga programa ng pamahalaang lungsod.

“Naghahandog ang ating lokal na pamahalaan ng mga scholarship, medical assistance, kabuhayan, at iba pa.  Samantalahin ninyo ito dahil ito’y ginawa para matulungan kayo at ang inyong pamilya na magkaroon ng magandang bukas,” saad niya.

May limang in-city housing projects ang Navotas na nakalaan sa 1,800 pamilya. Para maging benepisaryo, kailangan nilang sumailalim sa drug test para masiguro na payapa ang mga komunidad sa pabahay.

Nitong Nobyembre, pinasinayaan ng lungsod ang lima sa walong gusali ng NavotaAs Homes Tanza II sa Brgy. Tanza 2. Ang nasabing pabahay ay maaaring tirahan ng 408 pamilya. (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …