APRUB na kahapon sa Kongreso ang pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao sa gitna ng pagtutol ng oposisyon sa panukala ng administrasyon.
Sa joint session ng Kongreso kahapon, inaprobahan ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao sa panibagong isang taon.
Umabot sa 12 senador ang bumoto pabor sa panukala habang lima ang umayaw.
Ang 12 senador na pabor sa Martial Law ay sina: Senate President Vicente Sotto III, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at Senators Gregorio Honasan II, Panfilo Lacson, Richard Gordon, Cynthia Villar, Grace Poe, Aquilino Pimentel III, Joseph Victor Ejercito, Juan Edgardo Angara, Sherwin Gatchalian, at Emmanuel Pacquiao.
Umayaw sa panukala sina Paolo Benigno Aquino IV, Franklin Drilon, Francis Escudero, Risa Hontiveros, at Francis Pangilinan; Si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ay nag-abstain.
Sa bahagi ng Kamara, 223 ang bomoto pabor habang 23 ang ayaw. Walang nag-abstain.
Ayon kay Majority Leader Rolando Andaya ng Camarines Sur, naniniwala ang Kamara sa pagpapalawig ng Martial Law at ang pagsuspende sa writ of habeas corpus para tuluyan nang puksain ang rebelyon sa Mindanao.
Sila Rep. Luis Raymund Villafuerte ng Camarines Sur at Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas City ay sumoporta sa panukala ng presidente.
“Based on the assessment of the AFP (Armed Forces of the Philippines) and PNP, the people of Mindanao want martial law to continue. They have responded favorably to its implementation and the way that the military and police have handled it with utmost respect for the human rights of the people they are tasked to protect,” ani Villafuerte.
Ayon kay Abu, ang pagpalawig sa ML ay naaayon sa saligang batas. Naniniwala siya na may sapat na kaalanam ang presidente para isulong ang ML.
Para kay Iligan City Rep. Frederick Siao, ang pagpapalawig sa ML magdudulot ng panghabang buhay na kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao.
“Those rebel groups, terrorists, lawless armed groups, and private armies must be wiped out this year. Hunt them down, every last one of them, so there will be no more need for martial law after this extension because after this, Congress will no longer be in the mood for another round of this,” ani Siao, vice chairman ng House committee on tourism.
Sa panig ng oposisyon, walang sapat na basehan, ang pagpalawig ng ML sa Mindanao.
There is no cons-titutional and factual bases for the extension because rebellion does not persist in Mindanao and public safety is not imperiled,” ani Albay Rep. Edcel Lagman.
Para kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang dahilan ng pangatlong pagpalawig sa ML ay kinopya lamang mula sa nakaraang taon.
Ayon kay Akbayan party-list Rep. Tom Villarin: “The greatest threat in Mindanao is not from terrorist groups but the thinking that only martial law can solve its problems that are deeply rooted in conflict and poverty.”
ni Gerry Baldo