Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magagandang lugar sa Samar, muling mapapanood sa Kahit Ayaw Mo Na

BAGAY na magkakapatid sina Empress Schuck, Kristel Fulgar, at Andrea Brillantes dahil may hawig naman sila sa isa’t isa. Ito ang napansin namin nang mapanood ang Kahit Ayaw Mo Na nitong Martes sa SM Megamall Cinema 12 produced ng Viva Films, Blue Art Productions, at Spark Samar na idinirehe ni Bona Fajardo.

Simple lang ang kuwento na makailang beses na kaming nakapanood ng ganitong tema, depende na lang kung paano ito ie-execute ng direktor.

Si Empress ay designer at food vlogger naman si Kristel na parehong taga-Maynila at pumunta ng Samar para magbakasyon at maiba naman ang nakikita nila sa araw-araw.

Ang bahay na tinuluyan nila ay pag-aari nina Allan Paule at Desiree del Valle kasama ang anak nilang si Andrea Brillantes.

Parehong hindi nakagisnan nina Empress at Kristel ang kanilang mga ama dahil iniwan daw ang nanay nila noong ipinagbubuntis sila, pero nakuha naman nila ang pangalan, Zach Cruz na miyembro ng banda.

Hindi naman alam ni Desiree na ito ang ginamit na pangalan ng asawang si Allan noong binata pa kaya noong marinig ng huli kung anong pangalan ng mga ama nina Empress at Kristel ay nagulat siya dahil sa mahabang panahon ay nakita na niya ang mga dalaga niya.

Kaya nang ikasal na sina Allan at Desiree pagkalipas ng 20 years ay ipinagtapat niya ang kanyang nakaraan na nagkaroon siya ng ugnayan sa mga ina ng mga anak na sina Empress at Kristel na hindi niya alam na nagbunga ang pagiging mapusok niya.

Nagulat ang lahat, lalo na ang magkakapatid pero sa kabilang banda ay nagkasundo-sundo rin.

Ipinakita rin ni direk Bona ang magagandang lugar sa Samar na roon sila nag-shoot lalo na ang Ulot River na may eksenang Kayaking si Kristel.

Tulad din ni direk Chito Roño ay ipinakita rin nito ang maganda at tahimik na lugar sa Samar na nag-shoot sila ng Signal Rock.

Going back to Kahit Ayaw Mo Na ay nabibingi kami sa mga supporter nina Empress, Kristel, at Andrea na walang humpay sa kasisigaw pagkatapos ng palabas at talagang kompleto pa sila sa banner na iwinawagayway nila loob ng sinehan hanggang paglabas.

Palabas na kahapon, December 5 ang Kahit Ayaw Mo Na mula sa Viva Films.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Echo, may dengue, pero ayaw magpa-confine

Echo, may dengue, pero ayaw magpa-confine

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …