MARAMING KathNiel fans ang umaming hindi sila komportable na makita si Kathryn Bernardo na hindi ang ka-loveteam nitong si Daniel Padilla ang kapareha sa isang movie. Ito ang itinuturong dahilan kung bakit hindi kumita ng malaki ang first day showing ng Three Words To Forever ng Star Cinema.
Gayunman, pinabulaanan ito ng mga KathNiel dahil tuloy pa rin ang suporta nila sa kanilang mga idol maging sino man ang makakatambal ng bawa’t isa. Katunayan, mayroon silang nakahandang mga block screeening para sa nasabing pelikula.
Sa kabilang banda, may nagpatunay na dumalo sa red carpet premiere night ng pelikula na hindi full support ang ibinigay ng fans nina Kathryn at Daniel at pati na Sharonians dahil kaunti lang ang nagsisigawang tagahanga sa loob ng sinehan.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu