Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Milby Toni Gonzaga Aldub Maine Mendoza Alden Richards
Sam Milby Toni Gonzaga Aldub Maine Mendoza Alden Richards

Toni, nag-ilusyong karelasyon si Sam; Maine, walang pinagsisisihan sa pagkalas kay Alden

NGAYONG magka-loveteam sina Sam Milby at Toni Gonzaga sa Mary, Marry Me na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF), inamin ng aktres na may panahong nag-ilusyon siya na may relasyon na sila ng  aka dahil lang may pelikula silang pinagtatambalan.

Lahat ng mga nakakikilig na eksena, ‘pag binalikan mo, sa pelikula pala nangyari, sa set lang. Wala pala talaga ‘yung behind the scene na nag-date kayo, lumabas kayo,” pagtatapat ng aktres kay Vice Ganda noong mag-guest siya sa talk show na Gandang Gabi, Vice kamakailan.

Sa kabilang banda, si Maine Mendoza naman ang nagpahayag sa Instagram n’ya na ‘di n’ya pinagsisisihan ang ginawa last year na pagkalas sa loveteam nila ni Alden Richards dahil nasasakal na siya sa demands ng fans nila na kumilos siyang parang girlfriend talaga ng  aka sa tunay na buhay.

Sa Twitter account n’yang @mainecdm ginawa ni Maine ang deklarasyon ng pagkalas sa showbiz loveteam nila ni Alden noong November 26 last year.

Aniya, “I have not been able to do what I want and say what I feel because every time I try to express my thoughts and feelings, some of you (fans) tend to misapprehend and invalidate them in so many ways.”

Pahayag n’ya sa Twitter pa rin n’ya noong Nov. 26 ng taong ito: “So much happier now than I’ve ever been and so so grateful for that.”

Ilang ulit na ring nakunan ng litrato ng mga netizen si Maine na nakikipag-date kay Arjo Atayde na kilala bilang  aka sa Kapamilya Network. Pareho nilang ‘di itinatanggi ang mga litrato bagama’t ‘di nila inaamin na may relasyon na sila.

Ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez at ang kapatid na si Ria Atayde ang nagpapahayag sa media na happy sila sa mga nakikita nila sa social media na mga litrato nina Maine at Arjo na magkasama.

Samantala, si Toni naman ay nagpahayag na agad naman siyang naka-recover  aka-iilusyon n’yang may relasyon sila ni Sam.

Pahayag n’ya sa show ni Vice: “Kasi noong bata kayo, siyempre akala niyo ayun ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Pero alam  aka dami kong natutuhan doon. Natutuhan ko na hindi mo masusukat ang pagmamahal mo sa isang tao base sa simpleng pinagdaanan niya o simpleng relationship na kung ano man ang mayroon kayo; nasusukat ‘yon kung paano mo dadalhin ang sarili mo, kung paano mo bibitawan ‘yung mga hindi para sa ‘yo.

“Kasi the moment na binitawan mo ‘yon, doon mo mare-realize na ang ganda pala ng nakalaan para sa ‘yo.” Napangasawa ni Tony ang  akaor-prodyuser na si Paul Soriano at may isang anak na sila.

Tungkol sa Marry Me, katrayanggulo nina Toni at Sam ang nakababatang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga. Si Paul ang producer ng pelikula.

Si Maine man ay may entry sa 2018 MMFF  aka-loveteam n’ya si Coco Martin at ama n’ya si Vic SottoJack Em Poy: Puliscredibles ang titulo ng pelikula.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …