Saturday , April 19 2025

P4-B shabu equipment, chemicals nakompiska (Sa parking lot sa Ortigas)

NAKOMPISKA ng mga pulis ang mahigit P4 bilyong halaga ng mga kagamitan sa umano’y paggawa ng shabu sa isang van sa parking lot sa Ortigas.

Kabilang sa nasabat ang 26 sako ng ephedrine, mga bote ng acetone, flask, strainer, at plang­gana.

Arestado sa nasabing operasyon ang isang Koreano na siyang sinasa­bing chemist ng grupo, at isang Filipino-Chinese na may kinalaman umano sa operasyon.

Sinabi ng pulisya, bago natunton ang van, nagsagawa muna ng dalawang buy-bust ope­ra­tion noong Miyer­koles.

Narekober din ng mga pulis ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may P3.7 milyon ang street value.

“The follow-up inves­tigation that we will be conducting is saan ba galing ito at meron ba silang pinanggalingang clandestine laboratory,” ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guil­lermo Eleazar.

“What we have at the moment is i-check kung bakit nasa van (siya),” aniya.

Ikinulong ang mga suspek sa Northern Police District.

P1-M SHABU
NASABAT
SA BUY-BUST

MAHIGIT P1 mil­yon ha­laga ng shabu ang nakom­piska ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa dalawang hini­hinalang drug pusher, kabilang ang isang babae, sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni NPD director, C/Supt. Rolan­do Anduyan ang mga suspek na sina Marvin Salinas, 34, residente sa N. Domingo St., San Juan City, at Carmela Fran­cisco, 24, nakatira sa Oliveros Drive, Balinta­wak, Quezon City.

Ayon sa ulat, dakong 5:00 am nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa EDSA, Bagong Barrio, Caloocan City.

Nakipagtransaksiyon si PO1 Pascual na umaktong poseur buyer, ng isang plastic sachet ng shabu sa mga suspek kapalit ng P2000 marked money.

Nang magkaabutan ay agad sumalakay ang nakaantabay na mga operatiba at inaresto sina Salinas at Francisco.

Nakompiska kay Salinas ang isang ziplock sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 150 gramo ng hinihi­nalang shabu, tinatayang nasa P1,020,000 ang street value.

Patuloy ang imbesti­gasyon ng mga pulis u­pang matukoy kung sino ang pinagkukuhaan ng mga suspek ng ilegal na droga.

(ROMMEL SALES)

P.4-M DROGA
NASABAT
SA PAMPANGA

MABALACAT CITY – Nadakip ang anim katao sa ikinasang buy-bust operation sa Mabalacat City, Pampanga, nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Arestado sa opera­s-yon ang target na kinila­lang si Marcus Padlan at lima niyang kasama.

Nakuha mula sa kanila ang mahigit kala­ha­ting kilo ng hinihinalang marijuana na tinatayang P69,000 ang street value, at 58 gramo ng hini­hina­lang shabu na P394,000 ang halaga.

Bukod sa droga, nakom­piskahan din ng baril si Padlan. Napag-alamang baril ng pulis ang isa sa mga nakuha sa kaniya.

“Upon verification, itong Gloc na na-recover namin sa possession ni Marcus, it was stolen, 2 weeks ago, sa Mabalacat area din, isang personnel natin mula sa Angeles City Police Office ang nagmamay-ari noong naka-issue doon,” ayon kay Supt. Rommel Bata­ngan.

Kinasuhan ng pagla­bag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek. Habang nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunition si Padlan.

Nakatakda rin siyang kasuhan ng robbery ng Mabalacat City Police Office.

 

About hataw tabloid

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Phililanthropist and Businesswoman na si Ms Cecille Bravo nang ibigay ang …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Sarah Discaya

Kampo ni Sarah Discaya, Mariing Itinanggi ang Anumang Paglabag sa Batas Kaugnay ng Isyu sa British Passport

MAYNILA — Nilinaw ng legal counsel ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na wala …

Blind Item, Mystery Man, male star

Hunk actor suki sa mga political rally kahit ‘di feel ng publiko

I-FLEXni Jun Nardo MAINSTAY na yata ang isang hunk actor na paminsan-minsan eh kumakanta rin sa political …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *