Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wilbert Tolentino, goodbye Mader Sitang, hello online store

MISTULANG na-trauma ang mabait at very generous na si Wilbert Tolentino, dating Mr. Gay World-Philippines 2009 at ngayon ay founder/president ng Web Marketers Specialists Association of the Philippines at owner ng H&H Make Over salon sa naging experience nito nang kunin para i-manage sana ang Thai Internet Sensation, Mader Sitang na nakilala at sumikat sa kanyang dance move habang naghi-hair –flip ng kanyang long hair.

Maaalalang dinala ni Sir Wilbert si Mader Sitang last month sa bansa para sa kanyang Metro Manila tour , na ginawan pa ng perfume line para mas makilala pa ng mga Pinoy.

Balak pa sanang hawakan ni Sir Wilbert ang showbiz career sa bansa at sa abroad ni Mader Sitang at gagawan pa ng pelikula kasama si Vice Ganda. Pero nag-iba ang lahat nang magtungo ito sa Thailand para papirmahin ng kotrata si Mader Sitang. Pero hindi raw pinirmahan ni Mader Sitang ang kontrata para sa kanyang perfume at beauty line products hanggang hindi nagbibigay ng P30-M para raw sa kanyang bahay at opisina sa Thailand. Ikinaloka ito ni Wilbert kaya naman hindi na tinuloy ang pagpapapirma ng kontrata sa Thai Internet Sensation.

Sa ngayon nga ay naka move on na si Sir Wilbert na nagtayo naman   Online Store, ang UBC Shopping is Helping na isang one stop virtual shop na magbibigay ng mas affordable items katulad ng beauty skin care, cosmetics ,fashion and accessories, electronics and gadgets.

At everytime nga na magsa-shopping ka sa UBC Online Store ay makatutulong ka sa mga nangangailangan, dahil ang benta rito ay mapupunta sa mga charitable institution at cause-oriented projects.

ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …