Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maine Mendoza Baeby Baste
Maine Mendoza Baeby Baste

Maine at Baeby Baste, pangungunahan ang pagbubukas ng COD

TULOY NA TULOY na ang pagbubukas ng COD sa Biyernes, Nobyembre 23 sa Times Square Food Park ng Araneta Center. Makakasama sa pagbubukas nito sina Maine Mendoza at Baeby Baste.

Magsisimula ang programa ng paglulunsad ng 5:00 p.m.. at libre ito sa publiko.

Pagkatapos ng 16 taon, muling mapapanood ang animated Christmas on Display (COD) sa tunay na tahanan nito, ang Araneta Center.

Ang COD ay ginawa ni businessman Alex Rosario Sr. noong 1957, na dinala sa Araneta Center noong 1966. Ito na ang naging tahanan nito simula noon habbang 2002.

Ngayong taon, muling magpapasaya ang COD sa pamumuno ni Rey Rosario.

Kaya ayain na ang buong pamilya para mapanood ang animated display sa bago nitong disenyo at makabagbag damdaming istorya. Mapapanood na ang Christmas On Display na mayroong 15-minute shows simula 6:00 p.m. hanggang 10:30 p.m. tuwing Linggo hanggang Huwebes at mula 6:00 p.m. hanggang 11:30 p.m. tuwing Biyernes hanggang Sabado na tatagal hanggang Enero 6.

Makakasama nina Maine at Baeby Baste sa pagbubukas ng COD ang Mandaluyong Children’s Choir at ang mga nangga­gan­dahang sina Miss Universe Philippines Catriona Gray na siyang magho-host ng ceremony, Binibining Pilipinas Grand International Eva Patalinjug, Binibining Pilipinas Intercontinental Karen Gallman, Miss Globe top 15 finalist Michele Gumabao, at Miss International first runner-up Ma. Ahtisa Manalo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

BINI Jhoanna Puregold The Witness

BINI Jhoanna tampok sa isang cameo role sa pasasalamat ng Puregold sa mga may-ari ng sari-sari store

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …