Monday , December 23 2024
Joy Cancio
Joy Cancio

Joy Cancio sa pagkawala ng mga naipundar — Siguro tinapik ako ni God para magising ako at mabuo ulit ang pamilya ko

NALUGMOK man si Joy Cancio, muli siyang nakabagon sa tulong ng kanyang kapatid at ng kanyang pananampalataya.

Sa kuwento ng dating manager ng SexBomb Dancer na anim na taong hindi nakipagkomunikasyon sa kanyang mga kaibigan, sobra siyang na-depress dahil sa pagkawala ng mga pinaghirapan niya dahil na rin sa pagkagumon niya sa casino.

Sa totoo lang, sobra-sobra ang pera niya dahil bukod sa programang Daisy Siete na siya ang producer at umabot ng pitong taon sa ere, kaliwa’t kanan pa ang imbitasyon sa kanila para mag-show sa ibang bansa at regular silang napapanood sa Eat Bulaga.

Isine-share rin naman ni Joy ang kanyang blessings na natatanggap dahil marami siyang natulungang dancers’ ng Dance Focus Entertainment at ibang nangailangan.

“Umpisa kasi, nayaya lang ako, libangan, tapos nanalo ako kaagad, sabi nga beginner’s luck. So, ang saya ‘di ba kasi ang laki ng naipanalo ko. Tapos umulit ako, nanalo ulit hanggang sa unti-unti na akong natatalo at para makabawi, lagi na akong nagpupunta. Roon na nagsimula,” kuwento ni Joy nang minsang inimbitahan niya kami sa isang dinner sa Yoshiemeatsu na pag-aari ng isa sa miyembro ng Sexbomb, si Mia Pangyarihan na matatagpuan sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa pagkagumon niya sa casino, naisanla niya ang building na dugo’t pawis ang puhunan para maipatayo, naibenta ang bahay na isa sa investment niya at kung ano-ano pa.

“Ang galing nga, eh, siguro tinapik talaga ako ni God para magising ako at mabuo ulit ang pamilya ko. Buo naman kami talaga, kaya lang ‘yung husband ko hindi kami okay, ngayon super okay na,” ani Joy.

Dahil sa depression, naisip niyang magpakamatay. “Hindi ko itinatago. Totoo ‘yun. Nasa banyo ako at nakita ko ‘yung muriatic acid, eh, naalala ko may napanood ako na lumaklak ng muriatic acid hindi maganda, nalapnos, eh, sabi ko, ayaw ko papangit ako, ha, ha, ha.  Naisip ko pa talaga ‘yun.

“Tapos may iniinom ako pampatulog, eh, hayun napasobra ang inom ko, nabuhos ko lahat so, akala nga nagpakamatay ako, well parang ganoon na nga, ha, ha nasobrahan.”

Naitakbo naman agad siya sa ospital at nang gumaling siya, hindi na muna siya nagpakita. “Alam mo lumayo ako pati sa bahay namin, umalis ako. Sa mga kaibigan ako tumira for a while, palipat-lipat. Doon ko nakita kung sino ang mga tunay kong kaibigan noong super down ako. Hindi nila ako iniwan.” 

Ang kapatid niya ang tumulong sa kanya para hindi mahila ng banko ang building na isinanla niya. At unti-unting naibalik ni Joy ang tiwala sa sarili, “dahil kay God, walang imposible talaga ‘pag si God ang gumawa ng lahat, kaya sobrang thankful ako sa 2nd life ko.  Actually, tapik talaga niya ito para magising ako.”

Hindi man napapanood si Joy sa telebisyon, aktibo naman siya sa pagtuturo ng Zumba.

“Sa isang exclusive village, hindi sila magkakakilala kasi mga busy o kaya nahihiya siguro sa isa’t isa.  Alam mo naman ang mayayaman kanya-kanya silang buhay.  Hanggang sa kinuha ako ng isa roon na magturo ng Zumba hanggang sad umami na at buong community na. Nakakatuwa kasi ngayon, ang close-close na nilang lahat.’Di ba may purpose pala ‘yung pagtuturo ko?”

Kaliwa’t kanan ngayon ang Zumba sessions ni Joy kaya ito ang source of income niya.

Katunayan, ang kinikita niya rito ang ipinantustos niya para mapatapos ang anak na si Jiro sa kolehiyo.

Aniya sa kanyang Facebook post, “Sarap ng pakiramdam, sa kakakembot ko sa Zumba, matatapos na sa kolehiyo ang anak ko. Thank You Papa God for blessing me what my family needs. Thank you, Jiro Cancio for trying all your best to fulfill my dream and i will try all my best to support you & help you to reach your dreams,too. Hold on God, He is our stength!!!”

Sa kabilang banda, likas pa rin ang pagtulong ni Joy. Katunayan, tumutulong siya sa mga abandon children. “Ito ‘yung Social Development Center. This is my 2nd year of helping them and Glammies Aero Group is helping me to do this mission possible.”

Noong Nob. 17, ay nagkaroon sila ng benefit show, ang Sayaw Zumbamarathon na ginanap sa Muntinlupa Sports Complex kasama sina Aira Bermudez at ang Vicor Dancers.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Vice Ganda, panatag sa friendship na ibinibigay ni Calvin
Vice Ganda, panatag sa friendship na ibinibigay ni Calvin
FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di pa rin kayang patumbahin
FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di pa rin kayang patumbahin

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *