WAPAKELS as in walang pakialam si Kris Aquino kung maubos man ang kanyang yaman makamit lang niya ang kanyang hinihinging katarungan laban sa taong nanloko sa kanya sa pera.
Sa wakas, natukoy na ang pagkakakilanlan ng taong ‘yon bilang si Nicko Falcis, na ipinuwesto ni Kris sa kanyang production company.
Kaagad din namang to the rescue ang abogadong kapatid nito para itangging hindi ito sumibat sa bansa para takasan ang kaso. Earlier ay sinabi ni Kris na flight is an admission of guilt. Natatakot lang iyong bumalik ng bansa dahil daw sa banta ni Kris.
Hinahawakan pa umano nito sa leeg ang buong prosecutor’s office sa San Juan para hindi umusad ang kaso.
Pinaratangan ng kapatid na sinungaling si Kris. If true, aba, eh, ‘di magkontra-demanda sila laban kay Kris, abogado pala siya.
Pero desisdido si Kris, ilalalaban niya ang kaso hanggang sa huli. Yes, even up to her last centavo. Aniya, galit siya sa magnanakaw.
Kris found a perfect timing nang sabihin niya ‘yon. Halos kasunod lang din kasi ng pahayag na ‘yon ang conviction kay dating Unang Ginang at Congresswoman Imelda Marcos sa pitong bilang ng graft, na nito lang nadesisyonan.
Marami na ang nasabi’t nasulat tungkol sa nasabing kaso. Ang hinihintay na lang ng taumbayan ay ang makitang arestado na si Imelda tulad ng sinumang nagkasala sa batas.
Umaapaw sa social media ang ‘di na mabilang na opinyon ng bayan, most if not all of which are in favor of Imelda’s arrest habang nagngingitngit ang taumbayan sa obyus na preferential treatment na iginagawad sa 89 year-old lady.
The majority of the Filipinos want to see Imelda inside her prison cell tulad ng sinumang nagkasala sa batas.
Isinasatinig lang ni Kris ang panawagan indirectly involving her case, pero ‘yun din ang tinutumbok ng kanyang I-hate-thieves stand.
Tanong: kung nagkataon bang nasa puwesto pa rin ang kanyang Kuya Noynoy at the time that multi-million qualified theft was committed, napadali kaya ang kaso ni Kris?
Puwedeng oo, puwede ring hindi.
Remember that when Cory Aquino was stripped of her plain housewife role at maging Presidente, ang utak sa likod ng pagkakapaslang sa kanyang asawang si Ninoy noong 1983 ay hindi pa natutukoy. Pero iniuugnay ‘yon particular kay Imelda.
Had Kris lost her millions (pero P1.2-M lang daw pala ang “nakulimbat” mula sa kanya) under her brother’s term, hindi naman niya siguro para gamitin ang kanilang kapangyarihan to protect her personal interest.
Pero sige, Kris, ipursige mo ang iyong kaso.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III