Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Bato’ ni Darna nawawala kaya ‘di na matuloy-tuloy?

ANO ba ang nangyayari talaga at naurong na naman ang pagsasa-pelikula niyang Darna?

Noong una ay sinasabing tuloy na tuloy na iyan at ang magiging bida ulit ay si Angel Locsin. Maraming sinasabing naghahanda na si Angel, pero hindi natuloy dahil nagkaroon siya ng problema sa kanyang likod at kailangan niyang sumailalim sa isang operasyon. Nagpa-opera naman si Angel sa Singapore pa, at sinasabing kailangan lang ng kaunting therapy, puwede na niyang simulan ang pelikula.

Tapos ewan kung ano ang nangyari, basta hindi na puwede si Angel dahil sa mga action scene ng Darna. Pero ngayon ang sinasabing ginagawa niya ay mas matindi pa dahil may martial arts pang kailangan niyang gawin.

Kung sino-sino ang pinahulaan nilang papalit kay Angel, hanggang sa bumagsak na nga lang kay Liza Soberano. Dalawang taon na rin ang lumipas, tapos biglang nagkaroon ng problema. Umalis si direk Erik Matti na siya sanang gagawa ng project. Mayroon daw “creative differences” kaya nawala si Matti. Biglang ang director na ay si Jerrold Tarog.

Ngayon biglang wala na naman dahil uunahin muna ang isang pelikula ni Liza na katambal si Enrique Gil. Bakit? Ano nga ba ang nangyayari sa Darna? Nawawala ba iyong “bato”?

May mga mapamahiin, at maraming ganyan sa showbusiness, na nagsasabing baka nga mas mabuti pa huwag nang ituloy iyang Darna ngayon. Maghintay na lang sila ng tamang panahon para gawin ang project na iyan. Aba eh lahat na lang ng delay dumating na eh. Baka naman kung magawa nila iyang Darna na iyan maging disaster pa.

Sayang ang project pero naniniwala kami na kung ganyan ngang bantulot silang gawin iyan, mas mabuti pang huwag na muna nilang ituloy.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Parinig ni Janno sa Star Music, binura agad

Parinig ni Janno sa Star Music, binura agad

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …