Wednesday , December 18 2024
Lorna Ricardo DPWH SOP PACC Greco Belgica
Lorna Ricardo DPWH SOP PACC Greco Belgica

Lady district engineer hulicam sa ‘lagayan’ ng SOP sa road project (Militar italaga na rin sa DPWH?!)

CAUGHT in the act ang isang lady DPWH district engineer na kinilalang si Lorna Ricardo habang humihirit ng ‘SOP’ o tongpats para sa P100-million Lagawe-Caba-Ponghal Road Development Project sa Ifugao province.

Hulicam na hulicam kaya hindi makatanggi si Engr. Ricardo dahil mismong ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang naglabas ng hulicam sa kanya.

Iniharap ni PACC commissioner Greco Belgica ang video na nagpapakitang si Engineer Lorna Ricardo ay ‘naghihingi’  ng P10 milyon o diyes porsiyento sa contractor upang maseguro na igagawad sa huli ang P100-million Lagawe-Caba-Ponghal Road Development Project sa lalawigan ng Ifugao.

Bukod umano sa P10 milyon, humirit pa si Ricardo ng one percent mula sa 10 percent mobilization fund na ire-release noong 25-29 Hunyo 2018 bilang SOP o standard operating procedure para sa DPWH Bids and Awards Committee (BAC) Ifugao District plus five percent SOP sa bawat progress billing.

Hindi lang ‘yan, nanghihingi pa ng P20,000 kabayaran para sa processing fee para sa issuance ng Statement of Work Accomplished (SWA); one percent mula sa P100 million, kabuuang contract cost para sa material testing; at panibagong P1 milyon para umano sa vehicle rental na gagamitin ng DPWH project engineers.

Sonabagan!!!

Kulang na lang, hingin na ang kabuuang halaga ng proyekto, sa dami ng demand ni Madam Engr. Ricardo.

Parang ayaw na nga ipagawa ang project, ang gusto na lang ibulsa ‘yung P100 milyones… mabuti na lang at nadale ng PACC.

By the way, hindi lang si Engr. Ricardo ang na-hulicam nina PACC Commissioner Belgica.

Noong Agosto, isang district engineer at apat na personnel ng DPWH ang sinuspende dahil din sa bribery  kaugnay ng multimillion-peso projects DPWH.

Buking na buking sina DPWH Pasig district engineer Roberto Nicolas kasama sina Melody Dominguez, Luisito Ponancio, Tess Orquia at Vilma Gomez sa pangongolekta ng suhol mula sa private contractors.

Malaking pasasalamat ni Secretary Mark Villar dahil natutulungan sila ng PACC sa paglilinis sa kanilang hanay.

Kung sabagay, ano ba ang bago rito?

Bantad na sa publiko ang tinatawag na ‘SOP’ sa DPWH projects. Hindi lang barya ‘yan, milyon-milyon!

Dapat dalas-dalasan ni Sec. Mark ang pagka­pa sa ulo niya, kasi baka, tambak na ang bukol niya hindi pa niya alam.

Ay sus!

Kung ganyan ang nangyayari ngayon sa DPWH, hindi kaya nararapat lang na mag-deploy na rin ng military official para sugpuin ang matagal nang namamayagpag na korupsiyon sa nasabing ahensiya?!

Mantakin ninyo, PACC pa ang nag-expose? Hindi ba nababan­tayan mismo ng DPWH secretary ang kanilang hanay?!

Hindi kaya naiisip ng mga ‘magnanakaw’ ‘yung kalagayan ng mga batang mag-aaral sa malalayong probinsiya na hirap na hirap pumasok sa eskuwela dahil wala silang matinong kalsada?!

Tapos ngayong gagawin na ang proyekto, sa laki ng SOP e baka wala nang matira sa project implementation?

Sa bulsa na lang ng mga suwapang mapupun­ta ang kuwarta?!

Sabi nga, huwag hintayin ng DPWH na dumating ang panahon na dahil sa dami ng ‘anay’ ay susunugin na lang ang kanilang ‘bahay.’

Hoy mahiya kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Sino ba talaga  ang suportado mo sa Pasay, Mayora Inday Sarah?

Sino ba talaga ang suportado mo sa Pasay, Mayora Inday Sarah?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *