DAPAT kumilos ang Philippine National Police (PNP) at ang Land Transportation Office (LTO) para hanapin kung sino ang sangkot sa insidente ng road rage, imbuwelto ang isang FJ Cruiser na may plakang “8.”
Ayon kay House majority leader Rolando Andaya III maraming mga kongresista ang nanawagan sa liderato ng Kamara na hanapin kung sino ang taong sangkot dito.
“There are calls, many angry, from congressmen, for us to officially ask the proper authorities to identify the driver, the ownership of the car, and the authenticity and provenance of the protocol plate,” ani Andaya.
Pero, aniya, ang LTO at PNP ay maaaring kumilos dito kahit walang request mula sa Kamara.
“Motu proprio, ora mismo hindi na kailangan ng request mula sa atin,” dagdag ni Andaya.
“Ang socmed (social media) chatter ay plaka pa ng nakaraang Congress, 16th Congress, expired na. Such despicable behaviour on the road gives the House a bad name. There is no excuse for that. Hindi amulet or anting-anting para gumawa nang hindi tama ang anomang protocol plate,” giit ni Andaya.
ni Gerry Baldo