NAKATUON sa pagpapalawak ng kaunlaran at seguridad ang 33rd ASEAN at Related Summits sa Singapore na dadalohan ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang world leaders ngayon.
Aalis ngayong 4:30 ng hapon sa Davao City si Pangulong Duterte upang dumalo at isulong ang mahahalagang usapin sa Filipinas sa ASEAN, na ang tema ngayong taon ay “A Resilient and Innovative ASEAN.”
Kabilang sa mga isyu ng bansa na nais ibahagi ng Pangulo sa summits ay infrastructure development sa ilalim ng Build, Build, Build, small and medium enterprises, disaster response, climate change, gayondin ang pagbaka sa terorismo at illegal drugs.
Inaasahan din ang pagdalo sa pulong nina Russian President Vladimir Putin at US Vice President Mike Pence.
Ayon sa Palasyo, posibleng mapag-usapan ang isyu sa West Philippine Sea at ang ulat na pagtatayo ng weather station ng China sa lugar.
Hindi pa kompirmado ngunit may apat hanggang limang leader ang humiling ng pulong kay Pangulong Duterte.
Ang Thailand ang tatayong chairman ng ASEAN Summit sa taong 2019.
(ROSE NOVENARIO)