Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Produksiyon ng magsasaka, mangingisda, tataas (Sa climate smart training) — Villar

BUO ang paniniwala ni Senadora Cynthia Villar, chairman ng Senate Com­mittee on Agriculture, na tataas ang produksiyon sa agrikultura sa bansa at ma­gagawang makasabay ng mga mangingisda at magsa­saka sa hamon ng moderi­sasyon at climate change matapos ang dinaanang training at pag-aaral sa isang climate smart training business school.

Inihayag ito ni Villar sa kanyang pagdalo sa gra­duation ceremony ng mga lumahok na mga magsasaka at mangingisda mula sa Region 1, 2, 3 at CAR.

Layon ng naturang pag-aaral ang pagbibigay ng kasanayan at dagdag na kaalaman sa mga magsa­saka at mangingisda para mapataas ang kanilang produksiyon at matutong masabayan ang hamon ng modernisasyon at gayondin ang climate change.

Nagpaabot si Villar ng pagbati sa mga nagsipag­tapos na aniya ay maitutu­ring na inspirasyon sa lahat at malaking tulong para sa ating bansa maging sa usapin ng turismo.

Iginiit ni Villlar na dahil sa pag-aaral na ito ay mas higit na mapaglalabanan at mapaghahandaan  ng mga magsasaka at mangingisda ang epekto ng climate change na problema ng buong mundo.

Binigyang-linaw ni Villar na maraming opportunidad sa sektor ng agrikultura, ang kailangan lamang ay dagdag na kalinangan at kaalaman.

“Bilang may-akda ng ‘Farm Tourism Development Act’ o RA 10816 ay siniguro ko na tuloy-tuloy ang daloy ng mga opportunidad sa agri-tourism. All you have to do is to be ready to level up yourself in your farm businesses,” ani Villar.

Tinukoy ni Villar na matapos ang pag-aaral ay maaaring maging trainors o tagapagturo ang mga nagsipagtapos sa kanilang komunidad at mga kasama­hanang magsasaka at ma­ngi­ngisda upang maibahagi ang kanilang natutunan at lalo pang dumami ang maging handa sa hamon ng modernisasyo at epekto ng climate change.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …