NAGUGULAT kami sa naglalabasang blind item, sa Kapamilya actor na si Joshua Garcia na yumabang na raw umano at hindi na kilala ang mga dating reporter na kanyang nakasama noong nagsisimula pa lang sa showbiz.
Yes, totoong may gulat factor sa amin ang issue, dahil few years ago ay nakilala namin si Joshua through Eric John Salut sa isang fans day event na very sweet at sobrang ganda ng PR. Ito ‘yung panahong sila pa ni Loisa Andalio ang gino-groom ng ABS-CBN na maging loveteam.
Ayon sa BI na lumabas sa column ng isang beteranang lady columnist-radio host, tuwing tine-text raw nila ngayon si Joshua ay deadma forever at walang time na mag-reply, na tuwing sisitahin ng ka-close na reporter ay may mga alibi at nag-iimbento na sumagot na raw siya at nagpadala ng mensahe sa nagte-text sa kanya.
Well, kung totoong uma-attitude na nga ang nasabing actor dahil sa sikat na siya ay ito lang ang masasabi namin: wala pa siya sa kalingkingan ng idol niyang si John Lloyd Cruz.
At saka si Lloydie ay kuripot lang pero maganda naman ‘di hamak ang kanyang PR.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma