KOMPARA kina Sef Cadayona, Jake Ejercito, at Juancho Trevino (in this particular order), kung tutuusi’y “malagihay” lang ang inaabot na pamba-bash ng latest na nali-link kay Maine Mendoza, si Arjo Atayde.
As reported, makadalawang beses nang sighted sina Arjo at Maine sa magkahiwalay na bar. Ipinapalagay nga ng marami na may “something” sa kanila.
Isa si Ria Atayde, kapatid ni Arjo, sa mga nagbahagi ng kanyang ‘ika nga’y two cents hinggil sa closeness ng dalawa. Aniya, wala siyang nakikitang masama roon, after all, kapwa single (and ready to mingle) sina Arjo at Maine (bagama’t sa aming pagkakaalam ay may girlfriend si Arjo, waley na sila?). (Wala na po, matagal na—ED)
Sa halip na si Arjo ang makatikim ng pamba-bash mula sa mga netizen, particularly mula sa mga natitira pang AlDub fans, ay si Ria tuloy ang sumasalag.
Sa apat na guys na naiugnay kay Maine (Sef, Jake, Juancho, at ngayon, si Arjo), sa huli lang medyo “nagpakabait” ang fans nina Maine at Alden Richards.
At bakit kaya?
Our analysis is that, obviously ay nabuwag na nga ang loveteam nina Alden at Maine. Pero hindi ito ang gustong paniwalaan ng mga tagasubaybay nila na nag-iilusyon pa ring mauuwi sa tunay na buhay ang kanilang screen partnership.
Between Alden and Maine, mas maraming fans put the blame on Maine. Sa senaryong ito na dapat sana’y nasa babae dapat ang simpatya ng madlang pipol, si Alden pa ang mas iniaangat ng mga ito.
May historical explanation naman kasi para rito.
Kung matatandaan, si Maine ang unang “pumiyok” tungkol sa ‘di na niya makayanang sitwasyon at the height of the AlDub loveteam. She just couldn’t stand having to deal with both the pressures and expectations ng mga tao (kabilang ang kanilang mga career handler) sa rami ng kailangan nilang gawin ni Alden na labag sa kanyang kalooban.
Nakapaloob ang mga sentimyentong ‘yon ni Maine sa kanyang mahabang letter.
Bagama’t nagpakatotoo lang naman si Maine, alam ng lahat ang naging epekto niyon. Unti-unti, dumadausdos ang popularidad ng AlDub loveteam.
With its slow downfall, pinaghiwalay na rin sila ng mga proyekto. Kanya-kanya na ang drama ng dalawa. May proyektong hindi na obligatory na magkasama sila as thy used to be.
Of the four guys, ang pagiging masuwerte ni Arjo sa ‘di nito paggiging “victim” of bashing ay dala ng panahon. Kung nauna-una lang sumabog ang pagiging close nila ni Maine, for sure, bugbog-sarado ang binata ni Sylvia Sanchez sa ilang AlDub fans na sarado ang isip at feeling pag-aari nila ang kanilang idolo.
In the meantime, ramdam din ng marami na kasunod ng paglamlam ng AlDub loveteam, individually ay sumabay ‘yon sa paglamlam ng career ni Alden at ni Maine.
Weder-weder lang talaga ang kasikatan.
And one you’re up, walang ibang direksiyong pupuntahan ‘yon kundi pababa. Parang kantang spaghetti lang na isinasayaw ang peg: pataas at pababa.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III