Thursday , December 19 2024

Martial law sa Customs

PANSAMANTALA lang ang military takeover sa Bureau of Customs, ayon sa Palasyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, bilang Punong Ehekutibo ng bansa, may kapangyarihan si Pangu­long Rodrigo Duterte na utusan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ayudahan ang BoC.

Bilang Punong Eheku­tibo ng bansa ay may kontrol aniya si Pangu­long Rodrigo Duterte sa lahat ng tanggapan sa sangay ng ehekutibo, kasama ang BoC at bilang commander-in-chief ng (AFP).

“The president is authorized under the law to direct the movements of the members of the AFP in any manner he deems it fit,”  ani Panelo.

Nauna nang inatasan ni Pangulong Duterte si incoming Customs Com­missioner Rey Leonardo Guerrero na makipag-ugnayan sa AFP para sa mga sundalong itatalaga sa BoC kapalit ng mga sinibak na opisyal ng kawanihan.

“So I told Jagger to take the technical soldiers diyan sa Armed Forces, maybe the technical group of the Philippine Army, the technical group of the Philippine Navy and of the Air Force,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa Davao City kamakalawa ng gabi.

Bilang bahagi ng ipatutupad na reporma sa BoC, nais ng Pangulo na tatlong sundalo ang lalagda sa mga doku­mento ng mga lalabas na kargamento sa Aduana.

“And there will be about three signatures before a container will eventually be declared out of Customs control. So there will be about three, six eyes there. And they must sign that it could be a Navy or a Coast Guard, something like that,”  dagdag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, gagamitin ng gobyerno ang mga sundalong may technical expertise para mapatakbo ang BoC.

Ang mga naka-floating status na mga opisyal at kawani ng BoC aniya ay idaraan sa pro­seso, at aalamin kung hanggang saan ang maa­aring partisipasyon at pakikipagsabwatan sa nangyayaring smuggling activities at korupsiyon para makasuhan.

ni ROSE NOVENARIO

AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto

AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto

AFP takeover sa Customs kaduda-duda — Pangilinan

AFP takeover sa Customs kaduda-duda — Pangilinan

Customs sa AFP pakitang tao? — Solon

Customs sa AFP pakitang tao? — Solon

About Rose Novenario

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *