Saturday , November 16 2024

P1.12-B fraud nabuko (Areglohan sa NHA project tinutulan)

NABISTO ng state lawyers ang mali­naw na pagtatangka ng kontraktor ng Smokey Mountain project sa Tondo na gatasan ang gobyerno nang higit P1.12 bilyon mula sa kaban ng bayan.

Ito ang lumu­tang matapos kumilos ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) upang madis­karil ang areglohan sa pagitan ng National Housing Authority (NHA) at RII Builders sa kaso kaugnay ng rekla­masyon at development ng slum area sa Tondo.

Labis na nahihiwagaan ang OGCC dahil sa kabila ng mga record ng NHA at Commission on Audit (COA) na nagpapakitang may P300 millyong overpayment para sa proyekto, nakahanda pa rin ang gobyerno na magbayad ng P1,122,416,969 na may kasama pang limang ektarya mula sa prime property ng NHA sa Vitas bilang settlement sa mga kasong nakabinbin sa Court of Appeals.

Kinakatawan ng OGCC ang housing agency sa mga kaso na nasa appellate court na si­yang nag-utos sa NHA at RII na subukan ang pag-areglo sa kaso.

Noong isang linggo ay lumiham si chief govern­ment corporate counsel Elpidio Vega kay NHA General Manager Mar­celino Escalada upang abisohan ang huli ukol sa “variance” sa mga rekord ng mga naturang ahen­siya at sa hinihingi ng RII Builders para sa naturang settlement.

“NHA’s Accounting Department reviewed the financial claims of RII and presented to the NHA Board its findings that RII had, in fact, been overpaid by around P300 million,” ani Vega sa kanyang liham kay Escalada.

Ngunit sa malinaw na pagbasura sa imporma­syon na nauna nang ibinigay sa mga miyem­gro ng NHA board at kay Escalada noon pang Hunyo, itinuloy ng board ang paglalabas ng reso­lusyon noong Hulyo na nagbibigay ng kapang­yarihan kay Escalada na makipag- areglao sa RII. Nabago rin ang nilalaman ng areglohan sa pama­magitan ng panibagong NHA board resolution noong 3 Oktubre.

Ang naturang settle­ment ay nakatakda sa­nang isumite sa CA sa isang mediation pro­ceeding noong 17 Oktu­bre.

“Given the manifest variance in the findings of NHA’s Accounting Depart­­ment as well as the Board resolutions, such findings and resolutions have to be harmonized and justified for the benefit of both the NHA and its Board,” giit ni Vega.

Dahil sa kaba­luk­tutan, nanawa­gan si Vega sa NHA na ipasuspende ang court-prescribed proceeding upang mabig­yan ang ahensiya ng sa­pat na panahon para maitama ang kom­putasyon at assessment sa halaga ng lupain sa Vitas na isusuko ng gob­yerno sa RII Builders maareglo lamang ang kaso.

Sinabi rin ni Vega na dapat ikonsidera ng NHA ang 6 percent legal inte­rest imbes 12 percent na ipinipilit ng RII sa computation ng obli­gasyon ng ahensiya kung sakaling mayroon man.

Ang anomang are­glohan sa mga kaso, ayon kay Vega, ”should be conditioned on the settlement of all cases filed against NHA and RII’s waiver of any and all claims.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc

Artist Lounge Talents MultiMedia Inc. inilunsad

MATAGUMPAY ang grand launching ng Artist Lounge Talents MultiMedia Inc., na ginanap last November 10 sa Activity …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *