Sunday , November 3 2024
DICT Department of Information and Communications Technology

DICT kinalampag ng subscribers (Sa cell tower issue )

NANAWAGAN ang Consumer-Commuter Association of the Philip­pines sa pamahalaan na huwag bigyang daan ang pagpupumilit ni Presi­dential Adviser on eco­nomic affairs and infor­mation and technology communications  Ramon Jacinto sa  Department of Information and Com­munication Technology (DICT) na gawing dala­wang tower company lamang ang magtatayo ng libo-libong cell towers sa bansa.

Ayon sa naturang grupo, mahihirapan ang pamahalaan na maayos ang sistema ng komu­nikasyon at hindi ma­papabilis ang internet service sa bansa kung dalawang kompanya lamang ang hahawak sa pagtatayo ng libo-libong cell towers.

”Nakikita kaya ni Presidential Adviser Ramon Jacinto na mas madaling kausapin ang dalawang cell tower companies kaysa mara­mihan upang maisama ang broadcast stations sa bilang ng mga cell towers na itatayo?”tanong ng grupo.

Anila, kung mara­ming cell tower com­panies ang papayagan ng pamahalaan sa pagtatayo ng cell towers  mas  madaling  makapapasok ang mga broadcast sta­tions para gawing cell towers ang kanilang broadcast towers.

Halimbawa anila sa  Estados Unidos, mahigit 10,000 broadcast towers ang nagawang cell towers at gusto pa nilang dag­dagan kaya’t humusay nang husto ang internet service roon.

Kung makikipag­kasundo ang broadcast stations sa dalawang tower companies ay mas menos ang kaila­ngang gastos sa pagtatayo ng bagong tore sa lugar na mayroon nang nakatindig na broadcast tower.

Kapag nagpatayo ng bagong cell tower ang isang telco sa lugar na wala pang tower, mas maraming residente  ang nagrereklamo laban dito.

Maiiwasan umano ang abala kung ang tower company ay makikipag-partner sa isang broad­cast company, lalo kung ang ilan sa broadcast stations ay nalulugi at nangangailangan ng pera.

Ang broadcast com­pany ay magkakaroon ng bagong negosyo dahil ang kanilang tower ay maa­aring arkilahin ng ilang communication operators – sa pamamagitan ng DICT.

Malaki ang paniwala ng stakeholders na higit na mapapahusay ang inter­net service sa bansa nationwide kung magka­ka­roon ng mas maraming tower companies na  mangangasiwa sa pag­tatayo ng libo- libong cell towers sa buong bansa.

Una nang nabulabog ang DICT nang igiit ni Jacinto na dalawang  tower companies lamang ang papayagang guma­wa ng cell towers sa buong bansa.

Ayon sa  American Tower Corporation (ATC) na nakiisa sa briefing ng DICT at National Tele­communications Com­mission (NTC) kasama ng Frontier Tower (FT) at Grameenphone, Ltd. (GL) ng Norway, ang merkado ay napakalaki na kaya kailangan ng ilang ‘accredited players.’

Sinabi ng GL Norway, kapag limitado ang mga pinayagang magtatayo ng cell towers  ay maaa­pektohan ang kompe­tisyon at ang hangarin na mabigyan nang mahusay na serbisyo ang publiko.

Nangangamba rin ang subscribers kapag puma­sok ang 3rd telco ay hindi kayanin ng dalawang tower companies ang paglalagay ng 2,000 ‘cell towers’ kada taon.

Nagpahayag ang Smart-PLDT na labag sa batas at sa prankisa nila, ang paglilimita sa pagtatayo ng cell tower sa dalawang independent tower companies lang.

Bunga nito, nanin­digan ang Globe at Smart-PLDT sa plano nilang magtayo ng sariling cell towers upang higit na mabigyan nang mahusay na serbisyo ang kanilang subscribers.

Dapat umanong kalusin si RJ sa planong ito upang mapanga­siwaan ng DICT nang tama ang mga paraang makapagpapabilis ng serbisyo para sa mama­mayan.

About hataw tabloid

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *