Thursday , October 28 2021
#GDayEveryday Globe Rewards
#GDayEveryday Globe Rewards

Gawing #GDayEveryday gamit ang Globe Rewards

 “HAVE a good day!” Madalas nating naririnig o sinasabi ito. Pero gaano tayo katapat sa pagbitiw ng mga salitang ito?

Para sa Globe Rewards, ang “Have a good day!” ay hindi lamang isang pagbati.  Ang “good day” o “GDay” ay gaya ng araw-araw na rewards na puwede natin ma-enjoy at i-share sa iba para makapagbigay saya at makatulong sa mas maraming tao.

Ito ang tema ng taunang selebrasyon ng 917 o Setyembre 17 celebration ng Globe. Ang 917 ay ang iconic at orihinal na prefix na gamit ng Globe.

“Sa panahong ito na maraming nalulungkot at nahihirapan, patuloy ang Globe Rewards sa paghahanap ng paraan para ma-uplift ang spirit ng aming loyal customers at mabigyan sila ng dahilan para ngumiti.  Kaya naman marami kaming inihandang exciting na sorpresa para sa kanila,” sabi ni Bianca Wong, Head ng ‘Feel Valued Tribe’ ng Globe.

Buong buwan ng Setyembre ay maraming exciting na events, prizes, at freebies ang puwedeng ma-experience ng Globe subscribers. Kaya sinisiguro ng Globe Rewards na bawat araw ng buong buwan ay maging isang GDay. Ngayong taon, gusto rin ng Globe Rewards na maging paraan para makatulong ang bawat isa sa kapwa Filipino na nangangailangan.

Agosto pa lang ay nagsimula na ang mga sorpresa sa pagbubukas ng G Legends Cup, isang amateur gaming tournament na ang magwawaging grupo ay makakukuha ng premyo hindi lamang para sa kanila, kundi para rin sa kanilang komunidad.

Tuloy-tuloy ang kasiyahan sa buong buwan ng Setyembre para sa mga Globe at TM customers sa inaabangang G Chance the Raffle at araw-araw ay puwedeng manalo. At sa Grand Raffle sa 20 Setyembre, ang mapalad na magwawagi ay makatatanggap ng P1 Million GCash Credits.

Ilulunsad din ang G Summit para sa mga nais matuto ng pagpapalago ng negosyo sa pamamagitan ng digital solutions, at para sa mga mahilig mag-shopping, magaganap ang kauna-unahang G Super Sale na isang exclusive partnership ng Globe at Lazada.

Ang mas pinalaking G Music Fest ay magaganap muli, tanghal ang maraming local at international artists upang maghatid ng saya sa kanilang musika.

Ang layunin ng #GDayEveryday ay nakapaloob sa maikling video na ginawa para hikayatin ang bawat isa para mag-enjoy at magtulungan. Mapapanood sa video kung paanong kahit maliliit na bagay gaya ng musika, palaro, at iba-ibang klaseng freebies ay maaaring makagaan sa pang-araw-araw na buhay, lalo na kapag ibinabahagi sa iba.

Gaya nga ng mensahe ng video, “A good day is better when shared sa iba kasi nag-enjoy ka na, nakatulong ka pa.  Mas rewarding ang feeling kung kasama sila, di ba?”

Sa Globe Rewards, Atin ang GDay araw-araw. Ang Rewards ko, para rin sa iyo!

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/rewards.html.

About hataw tabloid

Check Also

Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Asian Academy Creative Awards

Sylvia nape-pressure sa Asian Academy (kailangan ding manalo dahil kay Arjo)

FACT SHEETni Reggee Bonoan  SA The Healing Finale Media conference ng Huwag Kang Mangamba ay natanong si Sylvia Sanchez tungkol sa …

‘Pimples’ ng apo naglaho sa Krystall Herbal Powder; kuntil sa kili-kili kusang nawala sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Ako po …

Cebu Pacific plane CebPac

Swab test hindi na kailangan sa 14 Cebu Pacific local destinations

INIANUNSIYO ng Cebu Pacific na kabilang ang Bohol, at mga lungsod ng Roxas at Cebu sa listahan …

Sunshine Dizon

Sunshine sunod-sunod ang proyekto ngayong 2021

MATABILni John Fontanilla MUKHANG taon ni Sunshine Dizon ang 2021 dahil inuulan ng suwerte. Kalilipat lang nito …

Dr Kilimanguru, DJ Jhai Ho, Kiray Celis, #BestTimeWithGlobe, Best Time With Globe

Sikat na online personalities nag-share kung bakit ngayon ang #BestTimeWithGlobe

TATLONG sikat na social media personalities — ang 25-year-old na si Dr. Kilimanguru, host DJ …

Leave a Reply