DYARAAAN…
And the winner is — Manny Villar’s Streamtech Systems Technologies Inc!
Bravo!
Masyado na talagang lumalaki ang bilib natin kay former lawmaker Manny Villar.
Whatever he wants, he gets.
Kung dati ay nagtitiyaga lang siya sa isang maliit na banko (Capitol Development Bank), ngayon isa na siyang bilyonaryong negosyante.
Mula sa lupa, bahay, condo, mall, coffee shops, at tubig, nag-venture na siya sa telecommunications company (telco).
Baka sa susunod pati hanging nilalanghap natin ay kopohin na rin nila?!
Tama ba Ms. Avic?
At ang ‘pinakamagandang bagong balita’ sa kanyang business conglomerate, inaprobahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kompanya na maging 3rd telco sa bansa para wasakin ang monopolyo ng Globe at Smart telecom.
At hindi lang basta 3rd telco, ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Acting Secretary Eliseo Rio Jr., ang kompanya ni Villar ay magiging major player sa telco industry.
Straight from the horse’s mouth ‘yan!
Okey, wala naman tayong reserbasyon diyan. Kung ang kompanya ba ng mga Villar ang makapagbibigay nang mas mabuting serbisyo sa atin, bakit nga hindi?!
Nitong Martes, nilagdaan ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act 11089 na nagbibigay sa Streamtech, ang kompanya ng mga Villar, ng 25-taon prankisa para magtayo, mag-operate at magmantina ng telecommunications systems sa buong bansa.
Sabi nga, when it rains, it pours!
Mukhang ganyan ang nangyayari ngayon sa mga Villar sa ilalim ng Duterte administration.
Wish lang natin na hindi matulad ‘yan sa PLDT na kahit putol at palpak na ang serbisyo ay singil nang singil pa rin.
‘Yung ibang telco naman, now you feel, now you don’t… akala yata nila Christmas lights sila na on and off.
Pansamantala, congratulations sa mga boss ninyo, Ms. Avic.
Wish natin na maging excellent ang serbisyo nila sa sambayanang subscribers!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap