Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Anti-drug chief patay sa nalaglag na baril (Habang nagbibihis)

PATAY ang isang hepe ng anti-illegal drugs  ng Quezon City Police District (QCPD) maka­raang pumutok ang kanyang baril at tamaan sa katawan sa Quezon City, kahapon ng uma­ga.

Sa ulat kay Supt. Benjie Tremor, hepe ng QCPD Kamuning PS 10, kinilala ang biktimang si , hepe ng Kamuning PS 10 – Station Drug Enforcement Unit (DSEU).

Siya ay namatay habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center dahil sa isang tama ng bala ng .9mm caliber sa kanyang pantog.

Napag-alaman, da­kong 8:00 am habang nagbibihis ang opisyal sa kanyang opisina nang pumutok ang kanyang baril nang malaglag habang hinuhugot mula sa kanyang baywang.

Tinamaan sa pantog si Gatchalian na agad isinugod sa EAMC ngu­nit namatay ilang minu­to habang inoo­perahan.

Kagagaling ng opi­syal sa isang anti-drug operation nang mang­yari ang insidente. (ALMAR DANGUI­LAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …