Saturday , July 27 2024

Lawyer ligtas sa ambush (Pulis na suspek todas)

NAKALIGTAS sa ambush ang isang abogado habang patay ang isang AWOL na pulis, kabilang sa tatlong hinihinalang hired killers, makaraan makipagbarilan sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Sa pulong balitaan ni Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, humarap sa mga mamamahayag ang target ng mga suspek na si Atty. Argel Joseph Cabatbat, na hindi man lang tinamaan o nasugatan sa insidente.

Samantala, ang napatay na isang AWOL police officer ay kinilalang si PO1 Mark Boquera Ayeras, 32, nakatira sa 128 M.H. Del Pilar St., Brgy. Santolan, Malabon City.

Namatay si Ayeras sa tama ng bala sa kanang tagliran bukod sa pagkakasagasa sa kanya ng driver ng abogado.

Sugatan ang isa sa mga suspek na si John Paul Napoles, 27, residente sa Don Carlo St., Brgy 190, Pasay City. Siya ay nakaratay sa East Avenue Medical Center dahil sa sugat sa katawan makaraang sagasaan din.

Ayon sa ulat, dakong 12:30 am habang pauwi ang abogado sakay ng kanyang Mitsubishi Montero na minamaneho ng kanyang driver, kasama ang isang Janjan, napansin ng abogado na sinusundan sila ng dalawang motorsiklo habang kanilang binabagtas ang EDSA, Quezon City.

Sinabi ng abogado, pagdating nila sa kanto ng EDSA at East Avenue, nakita niya si Ayeras na angkas ng isa sa dalawang motorsiklo, na bumunot ng baril kaya agad siyang nakadapa. Hindi tinamaan ang abogado nang paputukan ni Ayeras.

Habang nakadapa si Cabatbat na nakasakay sa back passenger’s seat, sinabihan niya si Janjan na nakaupo sa front passenger’s seat, na may baril sa consul box sa kanyang harapan.

Agad kinuha ni Janjan ang baril at saka pinaputukan si Ayeras na tinamaan sa tagiliran. Nang bumagsak ang motorsiklo, sinagasaan ng driver sina Ayeras at Napoles.

Samantala, ang isa pang suspek na sakay ng isa pang motorsiklo ay mabilis na nakatakas.

Isinugod ng nagrespondeng mga pulis ang dalawang suspek sa East Avenue Medical Center ngunit makalipas ang isang oras namatay si Ayeras.

Ayon sa abogado, matagal na siyang nakatatanggap ng death threat ngunit hindi niya matu­koy kung sino ang nagtangka sa kanyang buhay dahil marami siyang hinahawakan kaso.

ni ALMAR DANGUILAN

About Almar Danguilan

Check Also

Kate Hilary Tamani

Kate Hillary Tamani, nakopo ang maraming awards sa katatapos na WCOPA sa Tate

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-TALENTED pala ang batang si Kate Hillary Tamani. Sumungkit kasi siya …

Dolomite Beach Manila Bay Reclamation

Pagbaha sa Pasay hindi dahil sa reclamation sa Manila Bay — eksperto

TAHASANG pinasubalian ng isang eksperto na hindi reklamasyon sa Manila Bay ang direktang dahilan ng …

Pasay Baha Ulan Carina basura

Tone-toneladang basura sinisi ng LGU sa baradong  drainage system at baha

SINISI ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang tambak-tambak na basurang nakabara sa mga daluyan ng …

BBM Bongbong Marcos Nicanor Briones

Kongresista desmayado  
SONA ni BBM walang binanggit sa anti-agri economic sabotage

NAKULANGAN si AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones sa katatapos na ikatlong State of the Nation …

DOST kicks off Handa Pilipinas in Cebu to advance Visayas resilience

DOST kicks off Handa Pilipinas in Cebu to advance Visayas resilience

CEBU CITY, Philippines – The Visayas leg of the Department of Science and Technology’s (DOST) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *