Monday , October 7 2024

Kahit kaluluwa isasanla ni Digong kay Satanas (Para sa OFWs)

HINDI mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbili ang kaluluwa sa demonyo upang masuportahan ang mga babalik na overseas Filipino workers (OFWs) na naranasan ang impiyerno sa kamay ng mga among Kuwaiti.

Sa kanyang talumpati sa mass oath-taking ng mga bagong presidential appointees kahapon sa Palasyo, inihayag ng Pangulo na hindi kaya ng kanyang sikmura na hayaan lang na magpatuloy ang pang-aabuso ng mga Arabo sa OFWs.

Kung kailangan aniyang simutin ang kaban ng bayan para lamang ayudahan ang mga uuwing inabusong OFWs, gagawin niya dahil pera rin naman ito ng mga migranteng Filipino.

Bilang paghahanda sa kanilang pagbabalik sa Filipinas, inatasan ng Pangulo ang TESDA na maghanda ng training programs para sa mga uuwing OFWs, maging sa rebel returnees.

Anang Pangulo, makatatanggap ng dalawang libong piso kada araw ang bawat rebel returnee para matuto ng magiging kabuhayan.

 (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

ABP partylist

ABP tunay na partylist ng mga bomber at kanilang pamilya

TINIYAK ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist na isusulong nila sa kongreso ang karampatang …

DOST 1 Builds Stronger Communities with CEST Program

DOST 1 Builds Stronger Communities with CEST Program

IN CELEBRATION of the 35th National Statistics Month, the Department of Science and Technology Region …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul kompiyansang sure win sa Maynila

KOMPIYANSA ang tambalang Manila Mayor Honey Lacuna Pangan at Vice Mayor Yul Servo Nieto na …

Greco Belgica

PACC Chair Greco Belgica inendoso para alkalde ng Maynila

INENDOSO ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) at Reporma Pilipinas ang kandidatura ni dating …

arrest, posas, fingerprints

Dalawang gunrunner tiklo sa baril, bala, at granada

INARESTO ng mga awtoridad ang dalawang indibiduwal at nasamsam ang ilang mga baril, bala at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *