Thursday , December 2 2021
KINUKUWESTIYON ni NCRPO director, C/Supt. Guillermo Eleazar ang pangunahing suspek na si Grenie Hierro, kasama ang limang iba pa, makaraan madakip sa anti-drug operation ng mga tauhan ng QCPD-PS7 SDEU, at nakompiskahan ng 35 kilo ng marijuana, tinatayang P4.5 milyon ang halaga, sa 25, Room 713, Mary Grace Haven Apartment sa Denver St., Brgy. Immaculate Conception, Cubao, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

6 nasakote sa P4.5-M Marijuana sa Kyusi

NASABAT ng mga tau­han ng Quezon City Police District (QCPD) ang 35 kilo ng marijuana, tinatayang P4.5 milyon ang halaga, sa anim arestadong mga suspek sa ikinasang pagsalakay sa Brgy. Immaculate Con­ception, Cubao, Quezon City, kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ang mga ares­tado na sina Grenie Hierro, 34; Anthony John Timpug, 39; Lassery Ann Rayo, 30; Randbel Clifford Venzon, 20; Archie Visperas Ferreras, 20, at isang 16-anyos me­nor na edad.

Ayon sa imbesti­ga­s-yon ng pulisya, dakong 8:00 pm nang isagawa ang mga operatiba ng Anti-Illegal Drugs ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa 25, Room 713, Mary Grace Haven Apartment, Den­ver St., Brgy. Immaculate Conception, sa Cubao.

Ang anim na suspek ay iniharap sa mga ma­mamahayag nina Nation­al Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar at QCPD Director, C/Supt. Joselito Esquivel.

Ayon kay Eleazar, nalaman ng mga awto­ridad ang tungkol sa operasyon ng mga sus­pek makaraan makatang­gap ng report ang QCPD Station 7 mula sa isang concerned citizen, sa pamamagitan ng kani­lang hotline.

“The mode of tran­saction of this group is kukuha sila sa Kalinga, Apayao nitong mga ito na nakalagay sa sako at they were transporting these inside the van. At pag­dating dito [sa Metro Manila], ibinebenta nila by kilo,” ani Eleazar.

“Ito ngayong mga courier, bumibili. Sila ngayon ang nagdi-distribute sa kanilang mga tinawag nating street peddlers,” aniya.

Nasabat mula sa mga suspek ang 27 piraso ng malalaking rolyo ng dahon ng marijuana, 7 piraso ng bricks ng dahon ng marijuana, isang digital weighing scale, dalawang plastic bag na naglalaman ng dahon ng marijuana, at mga drug paraphernalia.

Umaabot sa 35 kilo ang kompiskadong mari­juana tinatayang P4.5 milyon ang street value.

Samantala, aminado ang pangunahing suspek na si Hierro na nagtutulak siya ng marijuana ngunit iginiit na hindi sa kanya ang mga nabanggit na kontrabado kundi  ipina­bebenta umano sa kanya.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong pagla­bag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Danger­ous Drugs Act of 2002. (ALMAR DANGUI­LAN)

About Almar Danguilan

Check Also

e-sabong National Children’s Month

Negatibong epekto ng e-Sabong sa estudyante at pamilya ipinaliwanag ng lady solon

NANAWAGAN si Taguig 2nd District Rep. Lani Cayetano sa pamahalaan at publiko hinggil sa kahalagahan …

Benhur Abalos MMDA

Number coding scheme (UVVRP) muling ipatutupad ng MMDA

MULING ipatutupad ngayong araw ng Miyerkoles, 1 Disyembre 2021, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …

Kalayaan Pagasa Deped

Sa Pag-asa Island, Kalayaan
ELEMENTARY & HS INTEGRATED SCHOOL SA PAG-ASA ISLAND, APRUB SA DEPED

NABIGYAN ng pag-asa para sa isang maayos na buhay ang kabataan ng Pag-asa Island sa Kalayaan …

Sa Malabon
2 TULAK ARESTADO SA P.3-M SHABU

KULUNGAN ang binagsakan ng dalawang tulak ng ipinagbabawal na droga nang makuhaan ng mahigit sa …

Janitor todas sa boga ng Jaguar

ISANG janitor ang pinagbabaril ng isang guwardiya PINAGBABARIL ang isang janitor, na ikinahulog nito mula …

Leave a Reply