Friday , November 14 2025

3 arestado sa ‘rent-a-car’ carnapping

ARESTADO ang tatlong lalaking sangkot sa rent-a-car carnapping habang dalawang carnap vehicle ang narekober ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), iniulat kahapon.

Sa ulat ni QCPD director, C/Supt. Joselito Esquivel, Jr., kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, C/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, kinilala ang mga suspek na sina Manchester Uy, 42, broker; Omar Clores, 34, trailer driver, kapwa residente sa Belmont St., West Wing Villa, at Kurt Siegffred Mercado, 25, nakatira sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ayon sa imbestiga­s-yon, noong 7 Agosto 2018 dakong 10:00 pm, isang John David Villa­nueva ang umarkila ng Ford Everest, model 2018 (CS C1-F517) ng nagre­rek­lamong si Lindsay Rivera ng GSIS Village, Brgy. Talipapa. Napag­kasunduang ibabalik ang sasakyan sa 10 Agosto 2018.

Ang sasakyan ay may dalawang Global Posi­tioning System (GPS).

Ngunit nitong 8 Agosto, napansin ni Rivera sa monitor, na isa sa GPS ay nakapatay dahilan para tawagan niya sa cellphone si Vil­lanueva ngunit bigo si­yang makontak ang umarkila.

Gayonman, dahil sa nakabukas ang ikala­wang GPS, natunton ang sasakyan habang naka­parada sa harapan ng isang banko sa Mayaman St., Brgy. Central.

Dakong 4:30 pm, 10 Agosto, pinuntahan ng biktima ang lugar at nakita ang sasakyan dahilan para humingi siya ng tulong sa QCPD Anti-Carnapping.

Narekober ang sasak­yan ngunit iba na ang gumagamit, na kinilalang si Federico Noveno. Ibina­lik ni Noveno ang sasak­yan nang malaman ang katotohanan.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …

PNP Nartatez ICI

Sa Pamumuno ni Chief Nartatez: PNP Pinagtitibay ang Laban sa Katiwalian

Sa pamumuno ni Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., muling pinatunayan ng PNP …

James Reid Issa Pressman Karen Davila

Issa nag-breakdown kay Karen; James awang-awa

MATAPOS ang ilang taong pananahimik, babasagin na ni Issa Pressman ang katahimikan sa isang exclusive at heart-to-heart …

Otek Lopez Papa O

Producer/Philanthropist Otek Lopez bibigyang parangal sa Gawad Pilipino

GRATEFUL at thankful ang producer, bBusinessman and philanthropist na si Otek “Papa O” Lopez sa karangalang ibinigay …