SOLO flight rumampa sa red carpet si Angel Locsin sa nakaraang ABS-CBN Ball kaya naman agad pinag-isipang on the rocks ang kanilang relasyon ni Niel Arce. But a source said na naroon din sa hotel si Arci, katunayan, hinalikan pa ang aktres sa noo bago ito tumuloy sa party.
Pero may nagkompirma naman na hiwalay na ang dalawa dahil hindi na sila nagpu-post ng larawang magkasama sa kani-kanilang Instagram account.
Ang huling post ng dalawa na magkasama sila ay noon pang April pero nitong nakaraang July, nagkasama naman ang dalawa sa isang dinner.
Mainit-init pa ang balitang ito habang aming tinitipa, habang may mga aligaga na pinag-uusapan ang isyung hiwalayan ng dalawa ay nasa Batangas ang mga ito at nag-chill-chill. Ibig lang sabihin nito na hindi totoo ang balita kundi tsismis lang na hiwalay na ang dalawa.
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu